Responsive Ad

Toni Fowler pumalag, walang kinalaman sa isyu ni Rob Moya

Toni Fowler pumalag, walang kinalaman sa isyu ni Rob Moya

KASABAY ng kaarawan ng social media personality na si Toni Fowler ang paglabas ng isyu hinggil sa kanyang dating partner na si Rob Moya.

Sa kanyang Facebook post ay doretsahan niyang pinabulaanan na may nalalaman siya sa mga kinasasangkutang krimen ng dating karelasyon gaya na lang ng estafa at pagbebenta ng mga bahay at sasakyan na hindi kanya.

Chika ni Toni, marami siyang natatanggap na mensahe sa ngayong kaarawan niya, ang iba ay bumabati habang ang iba naman ay ibinabalita sa kanya ang pag-trending ni Rob.

Bago pa man tuluyang makaladkad ang pangalan niya sa isyu ay maagap na siyang naglabas ng opisyal na pahayag.

Baka Bet Mo: Toni Fowler umaming nakatikim na rin ng ‘kiffy’: Amoy patis!

Lahad ni Toni, “Gusto ko lang klaruhin na ngayon ko lang din yan nakita matagal ko na syang hindi nakakausap dahil busy ako sa buhay na meron ako ngayon dumalaw lang sya saamin ng toro family nung pasko. Literal na ‘december 25 daddy rob'”.

Dagdag pa niya, wala na raw silang komunikasyon n Rob at sana’y huwag na itong hanapin sa kanya.

“I hope maiayos yung naging problema at wag akong madamay. Kasi kung totoo man yan ay wala po akong napakinabangan.. may utang pa nga saakin at hindi nako nabayaran,” sey pa ni Toni.

Giit pa niya, “Talagang k’klaruhin ko pangalan ko sa part na yan kasi NEVER ako nag ka issue sa pera pera na yan at may mga anak nako ayoko masali sa ganito.”

Wish rin ni Toni na hayaan na lang sana siya ng madla na maging masaya sa kanyang kaarawan.

Matatandaang naging usap-usapan rin sila noon ng dating karelasyon matapos siyang dumulog kay Raffy Tulfo noong 2021 para mabawi ang dalawang sasakyan niya na kinuha ni Rob.

Sa huli ay nagkaayos naman ang dalawa at ilang beses pang nakita sa vlog ni Toni matapos ang insidente.

The post Toni Fowler pumalag, walang kinalaman sa isyu ni Rob Moya appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments