Responsive Ad

Iya Villania ipinagbawal Roblox sa mga anak: Their attitude just changed

Iya Villania ipinagbawal Roblox sa mga anak: Their attitudes just changed
Drew Arellano at Iya Villania kasama ang mga anak

KINUMPIRMA ng Kapuso actress-TV host na si Iya Villania na ipinagbawal nila ni Drew Arellano sa mga anak ang paglalaro ng online game na Roblox

Nagdesisyon ang mag-asawa na huwag nang paglaruin ng Roblox ang mga anak dahil sa napansin nilang pagbabago sa ugali ng mga ito.

Kuwento ni Iya sa isang episode ng  podcast nila nina Camille Prats at Suzi Entrata-Abrera, na “Kami Ang Inyong Mga,” hindi niya pinansin nu’ng una ang paglalaro ng mga anak sa naturang online game.

Pero nagsimula siyang maalarma nang tila magbago na ang ugali ng mga anak. Nagulat din siya nang makita ang karakter sa game na Sonic.exe, na isang nakakatakot na version ni Sonic the Hedgehog.

“Nu’ng tiningnan ko I was like, ‘Bakit ganyan ‘yung itsura ni Sonic?’ Para siyang demonyo na Sonic. Sonic na may red eyes tapos ganu’n (matatalim) ‘yung ngipin,” nag-aalalang pahayag ni Iya.

Patuloy pa niya, “I was thinking, ‘Is this a normal character? Baka ‘di ko lang ‘to kilala.’ So ‘di ko lang masyado inisip. Hanggang sa they started getting scared at night kasi ‘yung mga jumpscare.”

Nang mapansin niya na parang naaadik na ang mga bata sa Roblox, nagpasya sila ni Drew na  ipatigil na ang paglalaro nito sa kanyang mga anak.

“I was like, ‘Guys, wait up. Is this what you’re playing? Is this what it’s doing to you guys? Is it making you guys scared?’

“Their attitudes just changed. And parang when we take it away, they would get so upset. And siyempre, they were much younger then so hindi pa nila ma-regulate at maintindihan. So basta ‘pag tinanggal mo, nagwawala,” saad pa ng Kapuso star.

Nabanggit din ni Iya na ang super apektado raw talaga sa paglalaro ng Roblox ay ang panganay nilang anak na si Primo.

“I know Primo. He’s such a sweet boy. And he’s such a smart boy. So, when he was going through that, I was like, okay, this isn’t sitting well with me,” sabi ni Iya.

Nagpasya rin daw silang magkaroon ng gadget break sa bahay nila sa loob ng isang buwan na hindi raw naging madali para sa mga bata na talagang iniyakan ang kanilang desisyon. 

“After a month, or maybe even after two months, Drew and I were like, ‘Okay, you know what? We’re gonna bring back the gadgets but we’re taking away this game.’ 

“I felt so convicted about the game. It just felt demonic for me, Mars,” sey pa ni Iya.

Paliwanag pa niya sa larong Roblox, “Also, the thing with that game is, magsawa lang sila sa isang game, lipat lang sila ng next. And because these games are made by people, these are worlds that people bring to life na mga fantasies nila.

“So, malay natin kung anong mga fantasy ng mga ibang tao na ‘yan that they make come true in these worlds. And then, they’re introducing these children to them. So, I’m glad we took that game away,” sabi pa ng Kapuso host.

Sabi ni Iya, eventually ay naintindihan din ni Primo kung bakit kailangan na nilang ipagbawal sa kanilang magkakapatid ang paglalaro ng Roblox.

“I’m sharing this story because I want some parents out there, if you feel convicted about a game that doesn’t feel right to you, it’s not too late to take it away. You can take it away,” aniya pa.

Matatandaang ikinonsidera kamakailan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagpapatupad ng nationwide ban sa Roblox dahil sa mga alegasyon ng ilegal na aktibidad at mga isyu sa kaligtasan ng mga bata. 

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutuloy.

The post Iya Villania ipinagbawal Roblox sa mga anak: Their attitude just changed appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments