Responsive Ad

Erik Matti pinatulan patutsada ni Neil Daza sa ‘labor issues’: ‘Ikaw na!’

Erik Matti pinatulan patutsada ni Neil Daza sa ‘labor issues’: ‘Ikaw na!’
PHOTOS: Screengrab from Facebook

NAGLABAS ng pahayag ang award-winning filmmaker na si Erik Matti matapos ang cryptic Facebook post ng cinematographer na si Neil Daza na tila may pinatatamaan umano kaugnay ng usapin sa labor issues sa industriya ng pelikula.

Sa post ni Daza noong Miyerkules, July 22, sinabi nito: “So much passion for making films, yet no passion to show up when it comes to labor issues.”

Bagama’t walang binanggit na pangalan, mistulang kinumpirma ni Matti na siya ang tinutukoy sa naturang post nang maglabas siya ng mahabang pahayag sa kanyang Facebook page.

Sey ng direktor sa caption: “Ikaw na. Ikaw na ang tagapaglaban ng industriya, Neil Daza. Ikaw na ang sukatan kung sino ang may malasakit sa pelikula at sa labor. Nagreklamo ka. Nagkaroon ng meeting sa Film Academy (FAP). Mabuti. Karapatan mo ‘yan. At ginagalang ko yan.”

Baka Bet Mo: Erik Matti napiling maging ‘juror’ sa International Emmy Awards 2024

Hindi naman idinetalye ni Matti ang reklamong isinampa ni Daza sa FAP, pero ayon sa ulat, may kinalaman umano ito sa usaping pagpayag sa mahabang working hours sa mga film set. 

Ibinunyag din ng direktor na sumailalim na umano sila sa mediation ng naturang organisasyon.

“Hindi naman mandatory ang attendance ko sa meetings na ‘yan. Andiyan producer namin. Hindi ako pumunta. Marami akong ginagawa. Hindi ibig sabihin noon wala na akong pakialam sa industriya,” giit ni Direk Matti.

“Alam kong ako ‘yan dahil galing ka lang sa FAP mediation at hinahanap mo kami ni Dondon. ‘Wag mo na daanin sa general statement. Alam naman ng lahat sa industriya na gigil ka sa akin. ‘Di naman ito ‘yung una mong hanash,” dagdag pa niya na ang tinutukoy ay ang matagal na niyang creative partner na si Dondon Monteverde.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Ferikmatti%2Fposts%2Fpfbid0WxuNEoSggqSorp42B3v6oTqSuWdtDFU1kAeyZYe3bdCuviBnnCamoqEqvR3PEoqsl&show_text=true&width=500" width="500" height="660" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Sa kabila ng palitan ng pahayag, inamin din ng direktor na mayroon siyang mga puna sa trabaho ni Daza, pero nilinaw niyang nananatili ang respeto niya rito.

“I’m sure di mo rin gusto mga pelikula ko. Ayos lang. May respeto ako sa’yo dahil sa trabaho mo. Kaya binaitan ko ang post na ito. Sana may respeto ka din sa akin,” sambit niya.

Hiniling din ni Direk Matti na huwag nang dalhin sa social media ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

“Tapusin na natin ito sa FAP. ‘Wag mo dalhin sa social media. May reklamo ka na nga sa FAP, may patutsada ka pa sa FB. Dun na natin sa FAP tapusin. Kung manalo ka sa isyu mo, e di gud. Kung manalo kami, e di sorry,” aniya pa.

As of this writing, wala pang inilalabas na komento si Daza kaugnay ng pahayag ni Direk Matti.

The post Erik Matti pinatulan patutsada ni Neil Daza sa ‘labor issues’: ‘Ikaw na!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments