Responsive Ad

DOH nagpaalala: Maghanda ng emergency go bag dahil sa habagat, ‘Kiyapo’

DOH nagpaalala: Maghanda ng emergency go bag dahil sa habagat, ‘Kiyapo’

IHANDA ang emergency go bag at sumunod sa safety protocols!

Ito ang naging paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko upang mapanatiling ligtas ang buong pamilya dahil sa epekto ng habagat at Bagyong Kiyapo.

Sa isang Facebook post, ibinandera ng ahensya ang ilang mahahalagang hakbang na dapat gawin bago at habang nararanasan ang masamang panahon.

Kabilang sa mga inirekomenda ng DOH ang paghahanda ng emergency go bag na may lamang malinis na inuming tubig, ready-to-eat na pagkain, first aid kit, toiletries, extra clothes, powerbank, flashlight, kapote, at mahahalagang dokumento.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Simpleng tips kontra leptospirosis ngayong rainy season!

Pinayuhan din ang publiko na i-charge ang mga electronic device at powerbank, tiyaking nakasara ang mga pinto at bintana, at ayusin ang mga gamit sa loob ng bahay.

Kung baha na ang bahay at ligtas itong gawin, mas mabuting patayin na rin ang suplay ng kuryente at liquefied petroleum gas (LPG) upang makaiwas sa posibleng aksidente.

Sakaling magkaroon ng emergency, agad na tumawag sa National Emergency Hotline 911.

“Be informed of the situation and wait for the advisory of your local government for proper steps at times like this,” pahayag ng ahensya.

Samantala, base sa latest report ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), lalo pang lumakas ang bagyo at nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa bahagi ng Babuyan Islands.

Ngunit ito ay inaasahang lalabas na ng ating bansa anumang oras ngayong araw ng Sabado, July 25.

The post DOH nagpaalala: Maghanda ng emergency go bag dahil sa habagat, ‘Kiyapo’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments