Rosmar Tan umabot na sa P300K ang mga bill sa kuryente: Half pa lang yan

AABOT na sa P300,000 ang babayaran sa kuryente ng negosyante at social media personality na si Rosemarie Pamulaklakin o Rosmar Tan.
Idinaan na lang niya sa biro ang pagka-shock sa natanggap na sunud-sunod na Meralco bill para sa kanyang bahay, mga negosyo, at ilang ari-arian.
Ipinakita ni Rosmar sa madlang pipol ang mga bagong bill niya sa kuryente sa pamamagitan Facebook, kabilang na riyan ang para sa pag-aari niyang spa, laundry business, at iba pang properties.
“Kainamang Meralco yan HAHAHA tapos hindi lang isa. Ang dami nila HAHAHAHAHHA,” ang caption ni Rosmar sa kanyang FB post.
Aniya, umabot na sa halos P300,000 ang kabuuang halaga ng mga bill na kanyang natanggap, at hindi pa raw kasama riyan ang iba pang mga bayarin na darating pa lang.
“300k halos, di pa kasama ung iba. Half pa lang yan. May parating pang ibang bills. #Meralco,” sey ni Rosmar.
Sa mga ipinost niya, makikita ang bill sa kanyang residential account na may higit P57,000, habang sa kanyang mga negosyo ay nasa mahigit P37,000 hanggang P56,000 ang dapat niyang bayaran.
Samu’t saring reaksyon ang ibinahagi ng netizens sa comments section ng FB post ni Rosmar at karamihan ay nagsabing pumaldo nang bonggang-bongga ang Meralco sa kanya.
May nambengga naman sa social media personality na nagsabing natural lang na mataas ang konsumo niya ng kuryente dahil sa dami ng kanyang negosyo at mga ari-arian.
Nauna rito, ilang celebrity na rin ang umalma sa taas ng kanilang electric bill kabilang na sina Cacai Mitra, Barbie Imperial at Jayson Gainza.
The post Rosmar Tan umabot na sa P300K ang mga bill sa kuryente: Half pa lang yan appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments