Responsive Ad

8 palabang aspiring artist bakbakan para sa ‘Viva’s Next Big Star’

8 palabang aspiring artist bakbakan para sa 'Viva’s Next Big Star'

WALONG aspiring and promising artists ang maglalaban-laban para sa titulong “Viva’s Next Big Star”, ang pinakabagong reality talent search ng Viva Entertainment.

Makikilala na ang susunod na sisikat na mga artista at pinakabagong hahangaan na talento dahil mapapanood na ang grandest star search ng taon sa paborito n’yong streaming platform.

Panoorin ang “Viva’s Next Big Star”, with fresh episodes every Friday, streaming na ngayon sa Viva One.

Mula sa looks, talent, attitude, pati na passion at pusong inilalaan sa kanilang ginagawa, hahanapin at sasalain ng “Viva’s Next Big Star” ang mga raw talent na susunod na magpapa-wow sa telebisyon, big screen, at maging sa world stages.

Magsisilbing mga hurado at mentor sa kompetisyon ang ilan sa mga malalaki at premyadong pangalan sa entertainment industry. 

Una na riyan si Jason Paul Laxamana, isang multi-awarded filmmaker, screenwriter, at producer na kilala sa kanyang mga romantic movies gaya ng “100 Tula Para Kay Stella”, “Just a Stranger”, at marami pang iba. 

Makakasama rin niya si Mac Alejandre, isang award-winning at batikang direktor na nakilala sa maraming pelikula gaya ng romantic-comedy na “Let the Love Begin” at ang fantasy epic na “Ang Panday.” 

Kukumpleto sa hanay ng mga hurado at mentor ang award-winning at Box-Office actress na si Cristine Reyes.

Bilang mga hurado at mentor, sila ang maghahasa at huhubog sa talento ng mga contestants at tutulungan silang maabot ang kanilang buong potensyal para sa  kompetisyon.

Sila ang magiging tulay para mas mahasa at mailabas pa ang talento at potensyal ng mga contestants. 

Mula sa direksyon ni Ryan Evangelista, susubaybayan ang bawat journey, bawat stepping stone, at bawat tagumpay ng mga contestants – sa likod man o sa harap ng camera.

Panoorin ang exclusive features, backstage preparations, at mga pasilip sa mga soon-to-be lead stars at mga performer! 

Subaybayan ang journey ng “Viva’s Next Big Star”, streaming na sa Viva One!

The post 8 palabang aspiring artist bakbakan para sa ‘Viva’s Next Big Star’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments