Responsive Ad

Nadine Lustre hindi natatakot lumaban para sa bayan, patuloy na maninindigan

Nadine Lustre hindi natatakot lumaban para sa bayan, patuloy na maninindigan
Nadine Lustre at Alden Richards

HINDI natatakot ang award-winning actress na si Nadine Lustre sa pagbibigay ng kanyang saloobin sa mahahalagang isyu at problema ng bansa.

Maninindigan daw ang dalaga sa lahat ng mga pinaniniwalaan niya hinggil sa mga usaping pampolitika, lalo ang tungkol sa korapsyon at pagnanakaw sa gobyerno.

Sa panayam ng broadcast journalist at news anchor na si Karen Davila para sa kanyang YouTube channel, isa sa mga napagdiskusyunan nila ni Nadine ay ang pagiging vocal nito sa paglaban sa katiwalian sa pamahalaan.

Naganap ang naturang interview sa taping ng pinakabagong TV series ng aktres na “Love, Siargao” kung saan kasama niya ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

“Iilan lang kayong ganyan. I mean, tinanong ko ‘to kay Vice Ganda, ‘yong iba takot. Hindi ka ba natatakot?” ang sey ni Karen kay Nadine.

“Not really. I think, I’m the kind of person who really stands for what I believe in. 

“Unfortunately, a lot of things going on and it’s something you can’t stomach,” sagot ng aktres.

“You know, it’s really, really hard to be okay with how our fellow Filipinos are being treated, how everything is treated in our country,” patuloy pa niya.

Isa si Nadine sa mga celebrities na nangampanya at sumuporta sa kandidatura sa pagkapangulo ni dating Vice President Leni Robredo kung saan tinalo siya ni Pangulong Bongbong Marcos. 

The post Nadine Lustre hindi natatakot lumaban para sa bayan, patuloy na maninindigan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments