Responsive Ad

Aiko Melendez humugot sa panlalait sa itsura ng iba, para kay Kim nga ba? 

Aiko Melendez humugot sa panlalait sa itsura ng iba, para kay Kim nga ba? 
Ryzza Mae Dizon, Aiko Melendez at Kim Chiu

ANG paniwala ng mga netizens, para kay Kim Chiu ang mensahe ni Quezon City councilor Aiko Melendez patungkol sa panlalait sa itsura ng ibang tao.

Walang binanggit na pangalan ang premyadong aktres sa kanyang Facebook post pero sumakto ito sa lalo pang umiinit na isyu sa pang-ookray daw ni Kim kay Ryzza Mae Dizon sa isang episode ng “It’s Showtime.”

Makahulugan ang hugot ni Aiko tungkol sa usapin ng pagiging mabait at sa pag-iwas sa panlalait sa pisikal na anyo ng ibang tao.

Kahit kailan daw ay hindi dapat gawing biro at katatawanan ang itsura ng ating kapwa.

“Never joke around about anyone’s physical appearance. Beauty has always been relative—what one person finds beautiful may be different for someone else,” simulang pagbabahagi ni Aiko.

Aniya, mas importante pa rin daw ang pagkakaroon ng mabuting puso kesa sa panlabas na anyo ng isang indibidwal.

“But one thing that never goes out of style is having a kind heart,” sey ng aktres at public servant.

Dagdag pang paalala ni Aiko sa madlang pipol, “Be the reason someone smiles today, not the reason they lose confidence. Kindness will always be the most beautiful thing a person can wear.”

Base sa mga comments na nabasa namin sa socmed, feeling nila ay si Kimmie ang pinatutungkulan ni Aiko sa kanyang FB post lalo’t hot topic pa rin ang pambabatikos sa Kapamilya actress-host ng netizens dahil sa pambebengga niya kay Ryzza Mae.

Bukod dito, nagkuwento rin ang content creator at host na si Ogie Diaz tungkol sa naging karanasan niya kay Kim nang magkita sila sa ABS-CBN compound.

Simulang chika ni Ogie sa kanyang YouTube vlog, “Bigla kong naalala. Grand finals ‘yun ng TNT (Tawag ng Tanghalan) kung saan naka-gown silang lahat. 

“Tapos si Kim Chiu nandu’n sa hallway ng ABS-CBN. Nagpipikto-pictorial sila. E, ako naman kalalabas ko lang kasama ‘yung misis ko saka si Miracle, ‘yung aking junakis,” ani Mama Ogs.

Patuloy niya, “So, lumabas kami dahil binati namin si Vice Ganda. Tsinika-tsika namin sa dressing room. 

“Paglabas namin, naabutan namin nagpi-pictorial sa labas. Mga isang metro, nagkatinginan kami ni Kim Chiu. So, akala ko magha-hi o ano. Siyempre meron kaming konting misunderstanding, e,” pag-alala pa ni Ogie.

Shocked daw si Mama Ogs sa dialogue sa kanila ni Kim na, “Buti pinapasok kayo” habang ang face ay hindi mo malaman kung ngingiti at sisimangot.

“Sabi ko, ‘Bakit bawal ba?’ So pumasok na siya sa dressing room niya. So nu’ng paglampas namin, nagtaka si misis. ‘Bakit ganu’n sinabi ni Kim Chiu sa ‘yo?’

“Puwede naman akong dedmahin. Bakit nag-dialogue ng ‘Buti pinapasok kayo?’” sey ni Ogie.

Ngunit pagkambyo ni Ogie, baka nabibigla lang daw si Kim at hindi aware sa mga salitang lumalabas sa bibig nito.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa post ni Aiko.

“It was a typical comedy bar humor that was shown on national television. They should upgrade their kind of comedy to a more humane, more intelligent type.”

“Very well said, Ms. Aiko. Kaya sna dapat my filter/edit/modify din ang buka ng bibig natin sa pgsasalita para di tau mkapanakit ng kapwa.”

“Tigilan natin yung biro tungkol sa itsura ng iba. Kasi yung salitang binitawan mo nang biro lang, baka ‘yon yung iniuwi nila at iniyakan sa gabi. ‘Yung pinagtatawanan mo ngayon, hinahangaan naman ng iba. ‘Yung hindi mo type, ‘yon ‘yung dasal ng ibang tao. Walang standard. Walang panalo sa pambabastos.”

“True. Pati nga ako nasaktan rin. Pero ang galing din ang mga tao, dun pa rin sila sa may mabuting loob hindi sa mas sikat at mas angat sa buhay. Tao na ang nagtanggol at rumesbak sa nanlait sa kanya. Talagang napakabuti Ng Panginoon sa mga mabubuting tao. God bless you always, Ryzza.”

“Accountability matters. Kim Chiu, if your joke publicly embarrassed or hurt Ryzza Mae Dizon, then you should publicly own it and publicly apologize. A sincere apology is not a sign of weakness—it is a sign of integrity, maturity, and respect. Public humiliation deserves public accountability. Offer a genuine public apology to Ryzza Mae.”

Bukas ang BANDERA sa reaksyon at paliwanag nina Aiko, Kim at Ryzza Mae hinggil sa isyu. 

The post Aiko Melendez humugot sa panlalait sa itsura ng iba, para kay Kim nga ba?  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments