Alfred Romualdez mas hihigpitan seguridad sa San Jose National High School

BINABALAK ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang pagpapaigting ng security measures para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at empleyado ng San Jose National High School.
Ito ay kaugnay sa naganap na shooting incident sa loob ng paaralan kung saan dalawang menor de edad ang namaril na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong mag-aaral habang ang iba ay sugatan.
Binisita ni Romualdez ang naturang paaralan nitong Huwebes, June 25, upang inspeksyunin ang paaralan at tignan kung ano pa ang dapat gawin para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at ng mga nagtatrabaho sa paaralan.Aniya, ito ang kanilang hakbang upang mapanatag ang mga mag-aaral pati ng mga magulang sa naturang eskuwelahan.
Baka Bet Mo: ‘Bullying’ posibleng motibo sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban
“Together with our department heads and police authorities, binisita natin ang San Jose National High School this afternoon to assess how we can further improve safety and security in the area,” saad ni Mayor Romualdez.Pagpapatuloy niya, “Layunin natin na mapanatag ang kalooban ng mga magulang at higit sa lahat ng ating mga estudyante as they return to school and continue their education.”
Ilan sa mga hakbang na tinitigna nila ay ang pagdaragdag ng security personnel, pag-aayos ng bakod, at pagpapalagat ng CCTV cameras“Among the measures we are looking at are the deployment of additional security personnel, the construction of proper and secure fencing around the school, the installation of more CCTV cameras, and the establishment of a panic button system directly connected to the nearest authorities for faster emergency response,” sabi pa ni Romualdez.
Nakikipag-usap na rin ang alkalde sa mga guro kaugnay ng mga programang tutulong sa mental at emotional welfare and recovery ng mga estudyante.Lahad pa ni Romualdez, “We are also looking into improving the ambiance and atmosphere of classrooms and hallways to help restore a sense of normalcy, security, and comfort for our students as they gradually move forward from this difficult experience.
“This is only the beginning. Magpapatuloy tayo sa pagpapatupad ng mga hakbang na ito hindi lamang sa San Jose National High School kundi maging sa iba pang paaralan sa ating lungsod hanggang masiguro natin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat estudyante sa buong Tacloban.”Pagtitiyak ni Mayor Romualdez, gagawin nila ang lahat ng hakbang para masiguro ang kaligtasan ng paaralan.
The post Alfred Romualdez mas hihigpitan seguridad sa San Jose National High School appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments