Herlene Budol, Mark Herras, Ai Ai, Boobay, Arnell hataw sa Star Sinemax

BONGGA ang naganap na launching para sa pinakabagong platform sa mundo ng digital entertainment, ang Star Sinemax.
Ito’y naglalayong maghatid ng world-class entertainment sa mga manonood sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Bukod sa pagbibigay ng premium films at original content, layunin din ng Star Sinemax na maging tahanan ng mga filmmaker, producer, at content creator na nais maiparating ang kanilang mga kuwento sa mas malawak na audience.
Sa pamamagitan ng nasabing platform, inaasahang mas maraming Filipino talents ang magkakaroon ng pagkakataong makilala sa international scene.
Sa ginanap na launching event, ibinahagi ni Star Sinemax President at Chief Executive Officer Ery Gushi ang kanyang pananaw para sa kumpanya.
Binigyang-diin niya ang hangarin ng Star Sinemax na makapaghatid ng de-kalidad na entertainment habang patuloy na sumusuporta sa mga storyteller at creative talents na may mga kuwentong karapat-dapat mapanood ng mas maraming tao.
Nag-aalok ang Star Sinemax ng iba’t ibang pelikula at original productions na maaaring panoorin anumang oras at saanman.
Tampok din sa platform ang ilan sa mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz, kabilang sina Ai Ai delas Alas, Mark Herras, Jeric Gonzales, Herlene Budol, Boobay, Mon Confiado, Yasser Marta, at Arnell Ignacio.
May mapagpipilian ding iba’t ibang genre ang mga subscriber—mula sa Sexy/Mature, LGBTQ+, hanggang sa Wholesome o General Audience films—upang matugunan ang magkakaibang panlasa ng mga manonood.
Mga paparating na pelikula sa Star Sinemax:
SEXT/MATURE
Dalisay
Piring, Sadista
Lihim ni Fiona
Sariwa
Liwaliw
Hayok
Humaling
LGBTQ+
White Prince
Shared Moments
The Sign
Stepmother
GL Forever
Ari and Janna
The Gap
By Some Miracle
WHOLESOME/GENERAL AUDIENCE
Guardian Baby
Haunted Bride
Justice of Love
Oni
Kiss of An Angel
Budoleras
The Invitation
Worlds Apart
Mudra Bampira
Bilang bahagi ng unang wave ng mga handog nito, ipinalabas na noong June 26 ang mga pelikulang “Portrait of Us” at “My Guardian Baby.”
Inaasahan ding mas marami pang pelikula at orihinal na produksyon ang ilalabas ng Star Sinemax sa mga susunod na buwan.
Para sa pinakabagong balita, official trailers, at kumpletong listahan ng mga pelikulang mapapanood, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Star Sinemax.
The post Herlene Budol, Mark Herras, Ai Ai, Boobay, Arnell hataw sa Star Sinemax appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments