Responsive Ad

Risa Hontiveros hindi pinalampas mga ‘death threat’, nagpatulong na sa NBI

Risa Hontiveros hindi pinalampas mga 'death threat', nagpatulong na sa NBI
PHOTO: Facebook/Senator Risa Hontiveros

HUMINGI na ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) si Sen. Risa Hontiveros matapos umano siyang makatanggap ng sunod-sunod na death threats sa social media.

Ito ay kasunod ng pagpaslang sa vlogger na si Alicia Lipata, mas kilala bilang si Mima Alicia.

Ayon sa senadora sa isang Facebook post, hindi rin siya nakaligtas sa umano’y “wave of death threats” at mga “pro-killing” na komento na kumalat online matapos ang insidente.

“Sa halip na makiramay, may mga nagdiriwang sa gitna ng kamatayan at nag-uudyok pa ng karahasan. Ngayon naman, marami rin ang tahasang nagbabanta na ako daw ‘ang susunod,’” pahayag ni Hontiveros nitong Huwebes, July 23.

Baka Bet Mo: Risa Hontiveros sinupalpal si Robin Padilla: Ano ba naman ‘to?

Binigyang-diin din niya na hindi nila binabalewala ang mga pagbabanta laban sa kanya.

“We are taking these threats seriously,” diin niya, sabay kumpirma na humingi na siya ng tulong sa NBI upang matukoy ang mga nasa likod ng online death threats.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fhontiverosrisa%2Fposts%2Fpfbid031EFjBMbFLDQPLYs3MtDpEQ6UwdyaxLpC5b9E2PjaqjQqF1a9weh9WTHBDo69pMLil&show_text=true&width=500" width="500" height="250" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Ayon pa kay Hontiveros, regular na tinatanggal at nire-report ng kanyang staff ang mga nakababahalang komento sa Facebook.

“My staff has routinely deleted and reported these disturbing comments on Facebook, and we have submitted to the NBI the names and screenshots of hundreds of Facebook users who have threatened to kill me,” dagdag pa niya.

Nanawagan din ang senador sa mga social media platform at law enforcement agencies na agarang kumilos laban sa lumalalang kultura ng karahasan at kawalan ng pananagutan sa online platforms.

“Hindi dapat maging normal sa atin ang pagbabanta sa buhay ng ating kapwa,” sambt niya.

Paliwanag pa ng senadora, “Kahit gaano kalalim ang pagkakaiba natin sa pulitika, may hangganan ang ating mga pagtatalo. We cannot allow such hatred to cost another life. We are better than this.”

Matatandaang binaril at napatay si Lipata, na sinasabing supporter ni Pangulong Bongbong Marcos, sa labas ng kanyang bahay sa Caloocan City ng mga sakay ng motorsiklo.

Samantala, sinabi ng pulisya na natukoy na nila ang dalawang suspek sa pagpatay sa vlogger. 

Ayon pa sa mga awtoridad, isa sa mga nahuli ay may maraming record na mga kaso.

The post Risa Hontiveros hindi pinalampas mga ‘death threat’, nagpatulong na sa NBI appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments