Maui Taylor inalok ng milyones para makipag-one night stand: ‘Hard pass!’

HINDI pa rin nawawala ang alindog ng dating Viva Hot Babes member na si Maui Taylor kahit nasa edad 43 na at matagal nang iniwan ang pagiging sexy star.
Sa katunayan, umamin ang aktres na hanggang ngayon ay may mga lalaking handang maglabas ng milyon-milyong piso kapalit ng isang indecent proposal.
Sa episode teaser ng “Your Honor,” nagkwento si Maui na kahit matagal na siyang wala sa paggawa ng sexy projects, may mga umaaligid pa rin sa kanya.
“Madami ka talagang mami-meet na they just want to get in your pants. Hanggang ngayon ang dami, e!” sey ng aktres.
Baka Bet Mo: Maui Taylor ibinandera larawan kasama si Wendell, sinupalpal basher na puro ‘bembang’
Dahil dito, hindi napigilan ni Chariz Solomon na mausisa siya: “Magkano ‘yung pinakamalaki?”
Walang paligoy-ligoy namang sumagot si Maui: “Nasa millions din. Meron isa, siguro a couple of months ago.”
Pero kahit gaano pa kalaki ang halagang iniaalok, hindi raw natitinag si Maui.
“Sabi ko, ‘hard pass, sorry talaga!’,” chika niya.
Bukod kay Maui, ilan pa sa mga kilalang artista na umaming nakatanggap ng indecent proposal ay sina Herelen Budol, Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan, Rob Guinto, Kokoy de Santos, at marami pang iba.
The post Maui Taylor inalok ng milyones para makipag-one night stand: ‘Hard pass!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments