Klase sa Maynila, QC suspendido sa July 27 para sa ika-5 SONA ni PBBM

WALANG pasok ang lahat ng antas sa Maynila at Quezon City sa Lunes, July 27, kaugnay ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa isang livestream, inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sakop ng suspensyon ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, mula kindergarten hanggang senior high school, pati na rin ang mga kolehiyo at unibersidad.
“This is to encourage all ManileƱos and everyone, especially our students and educators, to watch the President’s address to the nation,” sey ng alkalde ng Maynila.
Gayundin sa Quezon City sa pamamagitan ng inilabas na Executive Order (EO) No. 23, Series of 2026, na nagsasaad ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Baka Bet Mo: Palasyo kakasuhan mga pupuntirya kay PBBM, first family
“All residents are enjoined to listen to the Sona of the President of the Republic of the Philippines,” saad pa sa kautusan.
Gaganapin ang ika-5 SONA ni Pangulong Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Dahil dito, nagbabala ang QC LGU sa posibleng pagsasara ng ilang kalsada na maaaring makaapekto sa mga motorista, commuter, at mga estudyante.
Magpapatupad din ang Quezon City ng liquor ban mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-6:00 ng gabi sa July 27.
“The residents and visitors of Quezon City may be affected by acts [caused] by intoxication, which could negatively impact the peace and order of the community and general public,” ayon sa hiwalay na pahayag.
Samantala, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na pinayagan ng QC LGU ang mga grupong Bagong Alyansang Makabayan, Sanlakas, at Better Brighter na magsagawa ng rally sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa araw ng SONA.
Mahigit 20,000 PNP personnel ang ipakakalat para tiyakin ang seguridad at kaayusan sa ikalimang SONA ni Pangulong Marcos.
The post Klase sa Maynila, QC suspendido sa July 27 para sa ika-5 SONA ni PBBM appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments