Responsive Ad

Mariel Padilla binatikos sa pagsusuot ng doctoral regalia: ‘Nakakabastos’

Mariel Padilla binatikos sa pagsusuot ng doctoral regalia: 'Nakakabastos'

UMANI ng samu’t-saring komento mula sa madlang netizens ang pagsusuot ng doctoral regalia ni Mariel Padilla gayong wala siyang sapat na kredensiyal para isuot ito.

Kamakailan kasi ay dumalo ang TV host-vlogger  sa graduation ceremony ng Teodoro M. Luansing College of Rosario (TMLC) sa Batangas bilang representative ng kanyang asawa na si Sen. Robin Padilla.

Si Mariel ang um-attend sa serimonya dahil hindi makakadalo si Robin na kasalukuyant isa sa mga senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Kaya naman ibinandera ng senador sa kayang Facebook post nitong Martes, July 7, ang ginawa ng asawa bilang pasasalamat.

Baka Bet Mo: Mariel Padilla nakiisa sa INC rally para kay Robin: We are one!

“Maraming salamat sa aking mahal na asawa [Mariel], sa paghalili at sa pagpapa-abot ng aking mensahe sa mga bagong Criminology graduates mula sa Teodoro M. Luansing College of Rosario,” saad ni Robin.

Pagpapatuloy niya, “Saludo ako sa galing ninyong lahat!”

Sa naturang post ay makikitang nakasuot si Mariel ng doctoral regalia kahit hindi siya nagtamo ng doctoral degree.

Ang doctoral regalia ay binubuo ng mahabang toga na kulay itim o kulay ng unibersidad na may bell sleeves at velvet panels, mahabang hood na nagpapakita ng disiplina ng nagtapos at ng kanyang unibersidad, at isang velvet tam.

Kaya naman marami sa mga netizens ang tumaas ang kilay gayong hindi naman daw qualified si Mariel sa pagsusuot ng naturang academic regalia.

“Uy, nakita ko ‘yan. Nagtataka ako sa suot niya pero parang representative siya ni Robin. So kung nandyan si Robin, naka-three stripe toga siya? ANG LALA, KAHIT SINO PA SA KANILA MAGSUOT NG GANIYAN. TEODORO M. LUANSING COLLEGE OF ROSARIO. GRABE NA KAYO AH, HAHAHAHAAH,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Holder ba sya ng doctoral degree para magsuot nyan? Kasi kung hindi, impostora or cosplayer lang sya. Walang pinagkaiba yan sa isang nagpanggap na pulis o sundalo kasi ganun lang naman kadaling bumili ng uniporme sa Recto. Pasalamat si Mariel walang ganung krimen pagdating sa ganito (pero dapat talaga ma-call out pati yung college kung saan nya sinuot yun, dapat dun pa lang sinita na sya).”

“Ginawang pang-cosplay ang academic gown. Nakakabastos,” hirit naman ng isa.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Mariel hinggil sa isyu.

Ang academic gown ay isinusuot sa mga pormal na seremonyang akademiko, at ang disenyo at mga kulay nito ay sumasalamin sa partikular na antas ng akademikong degree ng nagsusuot—tulad ng bachelor’s, master’s, at doctorate—gayundin sa kanyang larangan ng pag-aaral.

The post Mariel Padilla binatikos sa pagsusuot ng doctoral regalia: ‘Nakakabastos’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments