Sam Verzosa hirap maka-move on kay Rhian: ‘Hindi basta-basta, nasa proseso pa’

“HINDI pa nga eh,” ang sagot ng celebrity entrepreneur na si Sam Verzosa sa tanong ng ilang media sa isang event kung tuluyan na ba siyang nakapag-move on sa hiwalayan nila ng aktres na si Rhian Ramos.
“Hindi naman basta-basta ‘yun. Nasa proseso pa ‘yun,” pag-amin pa niya.
At nang usisain kung ano ang pinaka nami-miss niya kay Rhian, ang sagot niya: “‘Yung pagmamahal niya.”
Dagdag pa ng businessman, “I did everything. I gave it my all. Inilaban ko hanggang dulo.”
Baka Bet Mo: Sam Verzosa galit nga ba kina Rhian Ramos at Wil Dasovich?
Nabanggit pa nga ni SV na ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa nakaraan nila ni Rhian bilang respeto sa aktres.
“Nahihiya na nga ako sa kanya. It’s been months. Sabi ko nga kay Tito Boy [Abunda], huling beses ko nang pag-uusapan. Nakakahiya,” sey niya.
Patuloy pa niya, “Baka sabihin, wala tayong [respeto]. Medyo matagal na. Parang binubuhay pa natin ‘yung wala na.”
“Tapos na ‘yun, eh. Respeto ko na rin ‘yun sa kanya,” giit pa niya.
Samantala, pinabulaanan din ng negosyante ang kumakalat na chikang may bago siyang karelasyon sa isang influencer matapos ang hiwalayan nila ng aktres.
“Wala talaga ‘yun. Kalokohan ‘yun,” sambit niya.
“Hindi naman ako basta-basta pumapatol at gagawa ng mga ganoong bagay. Nagulat ako kung saan galing ‘yun. Kahit sino pwedeng magsalita at pwedeng sakyan,” pahayag niya pa.
“Hindi ko kailangang magsinungaling. I tell it as it is. Kapag wala, wala. Kung mayroon, mayroon,” lahad niya.
May huli rin siyang pakiusap sa mga netizen na patuloy na gumagawa ng iba’t-ibang kwento tungkol sa kanyang personal na buhay.
“Wala talaga ‘yun. Lahat inaamin ko. I don’t need to lie. Hiwalay na kami. Ano pang kailangan kong patunayan?” aniya pa.
The post Sam Verzosa hirap maka-move on kay Rhian: ‘Hindi basta-basta, nasa proseso pa’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments