Responsive Ad

Joel Lamangan sa mga artistang pangit ugali: Inaaway ko talaga! 

Joel Lamangan sa mga artistang pangit ugali: Inaaway ko talaga! 
Joey Reyes at Joel Lamangan

HINDI nagdadalawang-isip ang award-winning veteran actor na si Joel Lamangan na awayin ang mga artistang masasama ang ugali.

Aminado si Direk Joel na may mga nakatrabaho na siyang celebrities na talaga namang pasaway at hindi marunong makisama sa kanilang kapwa.

Sa guesting ng premyadong filmmaker sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang isa pang batikang direktor na sina Jose Javier Reyes, naibahagi nila kung  paano nila hina-handle ang mga artistang pahirap sa taping o shooting.

Sey ni Direk Joel sa mga artistang may attitude, “Inaaway ko kapag hindi maganda ang ugali, ibig sabihin minamaltrato ang mga crew, minamaltrato ang mga maliit sa produksyon. Nakakarinig sa akin.

“Sinusumpa ko na hindi ko na siya makakatrabaho hanggang sa the end of time,” hirit pa niya.

Pero siniguro naman ni Direk Joel na kahit may mga ganitong isyu at problema, tatapusin pa rin daw niya ang ginagawa niyang pelikula.

“Tatapusin ko talaga ‘yung commitment ko. Pero next time na makita ko siya, ay nako, hanggang apat na reincarnation ayoko siyang makita,” sey ni Joel.

Bukod dito, hindi rin okay kay Joel na pinakikialaman siya ng artista sa mga diskarte niya bilang direktor.

“Hindi naman ikaw ang direktor dito, ako. Binabayaran kang artista, ako ang binabayarang direktor. Bakit ikaw ang nagdidirek? Anong pakialam mo?” ang punto ng veteran filmmaker.

Para naman kay Direk Joey Reyes, idinadaan na lang niya sa matalim na tingin ang mga pasaway at pakialamerang artista.

“Titingnan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko naman siya susundin. Doon lumalabas ang pagiging maton ko,” sey ni Joey.

“You do not question the authority of the director on the set. Puwede kang mag-suggest, puwede tayong mag-collaborate, but do not dictate. Because bilang director ako, hindi ako nagdi-dictate, nagko-collaborate ako,” saad pa niya.

Naikuwento rin ni Direk Joey na may mga na-encounter din siyang mga artista na hindi marunong umarte. 

Sa katunayan, may isang dating artista na isinama ng producer sa isa niyang project na diretsahan niyang sinabihan na mag-waiter na lang.

“Nag-waiter sa Dubai, naging successful!” chika ng direktor tungkol sa dating artista na isa na raw head waiter ngayon.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Direk Joey ay ang “Kasal, Kasali, Kasalo”, “Mga Mumunting Lihim”, “Batang PX” at marami pang iba.

Kabilang naman sa mga obra ni Direk Joel ay ang “The Flor Contemplacion Story”, “Rainbow’s Sunset” at “Mano Po.”

The post Joel Lamangan sa mga artistang pangit ugali: Inaaway ko talaga!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments