Eric Fructuoso umabot sa 220 lbs ang timbang, hindi na makita ang ‘birdie’

INATAKE ng depression ang aktor na si Eric Fructuoso nang tumaba siya nang bonggang-bongga dahil sa hindi kagandahang lifestyle.
Umabot daw sa 220 pounds ang kanyang timbang noong 2025 at wala nang magkasya sa kanyang pantalon at damit.
Hirit pa ni Eric, kailangan na raw niyang tumingin sa salamin para makita ang kanyang “bird” o pagkalalaki dahil sa katabaan.
Nag-share ang aktor ng naging karanasan niya noong panahong ang bigat-bigat ng katawan niya sa panayam ng “Kay Susan Tayo! Vlogs” ng veteran broadcast journalist na si Susan Enriquez.
“Masarap kasing kumain. Tapos, umiinom pa ako noon lagi. Tapos, walang exercise. So, ‘yun. Grabe ‘yung taba ko noon.
“Wala nang magkasya na mga damit (sa akin). So, bumibili kami. Wala nang kasya sa aking pantalon,” pag-amin niya.
Hindi nga ras niya mapigilang maiyak sa naging sitwasyon niya that time, “Doon, umiiyak ako sa fitting room. Parang, ano ba ‘tong nangyari sa akin?
“Sa kama, para akong pagong, hindi makatayo. Ganoon na. Tsaka ‘yung kailangan mo nang tumingin sa salamin para makita mo na ‘yung bird mo,” nangiting sey pa ni Eric.
Pagpapatuloy pa niya, “That time, sabi ko, ito yata ‘yung depression na dumarating na sa akin, nararamdaman ko. Till, I made the decision na ayusin na lahat.”
Nag-start ang fitness journey ng aktor nang ma-discover niya ang tungkol sa peptides, “Kasi, I was so desperate to lose weight, na-injure na nga tuhod ko because pinilit ko mag-basketball.
“Until I was introduced to peptides. Pero ayaw ko kasi, ni-inject ‘yun, eh. Anything na-inject, parang, ang pangit tingnan, ‘di ba?” saad pa niya.
“Pero hindi pala siya pampapayat. Magiging healthy ka pala. Tapos, tinry ko, nag-lose ako ng fats. Tapos, lahat ng matataas sa resulta ko, bumaba,” chika pa ng original member ng grupong Gwapings (kasama sina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana).
Nang mabawasan na ang kanyang timbang, doon na niya kinarir ang pagwo-workout hanggang sa maging 154 lbs na ang timbang niya.
Goodbye na rin siya sa pagsusuot ng 2XL hanggang 3XL na shirt dahil medium na ang size niya ngayon.
“Dati hindi ako kumakain masyado. Ngayon, pinipilit ako kumain kasi ‘yung food ko is may fuel to do all the exercises,” sey pa niya.
Samantala, inamin din ni Eric na meron siyang kundisyon na tinatawag na Gerascophobia, o takot na tumanda.
“I think it was because na, ‘yung tatay ko, ‘pag umuwi lagi from office, laging siyang mainit ulo, laging stressed.
“Sabi ko, ‘Ayoko na tumanda.’ Sabi ko, never ako magtatrabaho ng normal na job. Kasi kung ganoon pala ako pag-uwi ko, huwag na lang.
“Kasi nakikita natin lahat, ‘di ba? ‘Yung mga matatanda sa atin, laging stressed, laging pagod. Sabi ko, ‘Ayoko ng ganiyang buhay.’ Kaya siguro ‘yun ‘yung naging trauma ko, ayoko tumanda,” paglalahad pa ni Eric.
The post Eric Fructuoso umabot sa 220 lbs ang timbang, hindi na makita ang ‘birdie’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments