Responsive Ad

Angelica Panganiban ayaw nang ibalandra sa social media si Sabine

Angelica Panganiban ayaw nang ibalandra sa social media si Sabine

NAGING bukas ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa kanyang dahilan kung bakit mahigit isang taon na silang tumigil sa vlogging ng asawang si Gregg Homan.

Sa kanyang panayam sa Kapamilya broadcaster na si Karen Davila, ibinahagi ng celebrity mom ang kahalagahan ng private space sa kanilang anak na si Amila Sabine.

“Kung nakikita ng mga tao, we used to have a YouTube channel. Nung buo na siya magsalita, tinanggal na namin,” panimula ni Angelica.

Ang dahilan nilang mag-asawa sa pagtigil sa pagba-vlog ay ayaw nilang maging babad sa social media ang anak.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista, Angelica Panganiban umaming nagkatampuhan, nagkaayos din

Kuwento pa ni Angelica, pareho nilang sinusuportahan ang pagbabawal sa paggamit ng social media para sa mga edad 16 pababa.

“Ayaw ko na siyang ma-involve sa social media and ayoko na rin kasi na balikan niya ako at some point in her life na bakit ko yun ginawa sa kanya.

“We agreed–– parehas kami ng husband ko–– na okay kami to do endorsements pero hindi sa social media,” pagbabahagi pa ni Angelica.

Naibahagi rin ang aktres lung paano siya nilag isang ina.

“Gusto ko siyang lumaki na ako yung best friend niya–– na pag may problema, ako lang lagi yung tatawagan niya. I want her to feel safe with me. Of course, gusto ko siyang magkaroon ng sobrang daming kaibigan dahil ngayon mag-isa pa lang siyang anak ko–– hindi natin alam kung ano pa ang mangyayari in the future,” sey ni Angelica.

Dagdag pa niya, “Kung magiging only daughter ko siya, I want her to have all the friends in the world para hindi niya maramdaman yung pagiging mag-isa niya. Pero bukod doon, gusto ko na ako yung bestest friend niya.”

Naikuwento rin ni Angelica na i-e-enroll nila si Sabine sa isang coeducational school dahil nais nilang maihanda ito sa pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao na maaari nitong makilala sa hinaharap.

“Alam mo, hindi ako takot na masaktan siya in life–– heartbreak, hindi. Sabi ko nga, gusto ko siyang maging katulad ko–– wag tanga ah. 

“Gusto ko siyang magmahal ng katulad ko–– yung hindi sumusuko sa love kahit masaktan siya. Love again, try again,” pagtatapos ni Angelica.

The post Angelica Panganiban ayaw nang ibalandra sa social media si Sabine appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments