Responsive Ad

James Reid, Kathryn Bernardo panalo sa chemistry sa pilot ng ‘Someone, Someday’

James Reid, Kathryn Bernardo panalo sa chemistry sa pilot ng 'Someone, Someday’

TILA isang roller coaster agad ng emosyon ang naranasan ng entertainment press at BANDERA matapos mapanood ang unang 15 minuto ng pilot episode ng pinakaaabangang seryeng “Someone, Someday.

Sa maikling sneak peek pa lang sa special Netflix event, agad nang ibinandera ng serye ang magagandang visuals, mabibigat na eksena, at nakakakilig na mga tagpo na tiyak na magbibigay ng matinding excitement sa mga manonood at fans.

Para kay Dimples Romana, isa sa mga unang tumatak sa kanya ang kalidad ng pagkakagawa ng serye.

“Ang ganda, ganda ng visuals namin! ‘Yun ‘yung sinasabi ko na parang hook na hook ako kasi hindi mo alam ‘yung next na mangyayari,” sey ng batikang aktres.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo palabang ’empowered woman’ sa ‘Someone, Someday’

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid032j5QWUc5PTP4d9mMRcUT3sY2GWdE3XTBVvxmc9mNwKTvefQrW1CoWRUudqxgvmKil&show_text=true&width=500" width="500" height="250" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Aminado namang bihirang panoorin ni James Reid ang sarili niyang proyekto, pero iba ang naging pakiramdam niya matapos makita ang preview.

“This is the most I’ve watched of our shows…I love the intro. It’s a great introduction to the characters and I’m really excited to see it,” pag-amin ng aktor.

Simple pero punong-puno naman ng kilig ang naging reaksyon ni Maja Salvador.

“Kilig!” maikli ngunit masayang sambit niya.

Samantala, ibinahagi ni Kathryn Bernardo na simula pa lamang ito ng emosyonal na paglalakbay ng kanyang karakter.

“Welcome to the world of Billie… Sana nagustuhan niyo. Marami kayong mararamdamang emotions. It’s so beautiful kasi pilot week pa lang namin, sobra nang siksik,” wika ng young actress.

At base sa napanood ng BANDERA, totoo ang sinabi ng cast!

Sa unang 15 minuto pa lang ay ramdam na agad ang halo-halong emosyon: may kilig, saya, kaba, at mga eksenang siguradong magpapabitin sa mga manonood. 

Kapansin-pansin din ang natural na chemistry nina Kathryn at James, na kahit unang tambalan pa lamang ay effortless at swak sa isa’t isa. 

Marami ring eksena ang tiyak na magpapangiti at magpapakilig sa fans, dahilan para mas lalo pang abangan ang mga susunod na episodes.

Ang “Someone, Someday” ay isang modern, feel-good at progressive romance series na umiikot sa kwento ni Billie (Kathryn), isang young CEO na gumawa ng dating app upang tulungan ang mga kababaihan na matagpuan ang tamang pag-ibig. 

Dito niya makikilala ang karakter ni James Reid, habang magiging malaking bahagi rin ng kwento ang karakter ni Maja Salvador. 

Ang serye ay streaming first sa Netflix simula July 24, bago ang television premiere nito sa July 27 sa iba’t ibang ABS-CBN partner platforms.

The post James Reid, Kathryn Bernardo panalo sa chemistry sa pilot ng ‘Someone, Someday’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments