Responsive Ad

Joey Albert napaghandaan ang cancer: Laban ka lang nang laban

Joey Albert napaghandaan ang cancer: Laban ka lang nang laban
Joey Albert

HINDI rin naging madali para sa OPM icon at hitmaker na si Joey Albert ang mga pinagdaanan niya sa pakikipaglaban sa dalawang uri ng cancer.

Matagal nang magaling si Joey matapos sumailalim sa iba’t ibang medical treatment para sa kanyang cervical at colon cancer.

Binalikan ng OPM legend ang kanyang healing journey sa interview ng nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda kung saan nabanggit nga niya na in a way ay napaghandaan na rin niya ang pagkakaroon ng Big C.

Nasa Pilipinas ngayon si Joey para sa kanyang upcoming concert at sa pakikipagchikahan nga niya kay Tito Boy ay inalala niya ang mga hirap na pinagdaanan para labanan ang cancer.

“You know it’s just really one foot in front of the other when it’s something like that and hope and faith,” aniya.

Matapos daw niyang masaksihan ang pakikipaglaban ng kanyang ama at kapatid sa naturang karamdaman. 

“Parang half of you expects it already na mangyayari ito sa akin. Nung finally nangyari na sa akin, actually tuwing nangyayari iisipin mo ito na ba Lord?

“Pero alam mo, dahil siguro nakita ko na yung daddy ko at tsaka ate ko, parang there was a part of me na talagang naghahanda na lang,” lahad ni Joey.

Baka Bet Mo: Matapos ang 15 taon, colon cancer ni Joey Albert bumalik

Pagpapatuloy niya, “That’s why everyday of my life, every moment of my life, every decision I make, sinubukan ko talaga at sinikap kong gawin decision para sa kabutihan ng pamilya ko, ng mga anak ko, asawa ko, or ng mga naniwala sa akin throughout my career.”

Never din daw kinuwestiyon ng veteran singer ang Diyos noong tamaan siya ng dalawang uri ng cancer. In fact, nagkaroon pa siya ng bagong perspective in life.

“Nu’ng nagka-cancer na ko, parang that’s when I realized kailangan matuto akong mahalin sarili ko na pag wala ako, wala rin naman akong magagawa para sa iba.

“Ang itinuro sa akin, yung mga paghihirap natin, puwede nating gawing mga tulay, stepping stones, para ipagdasal ang ibang tao. 

“Kasi yun yung pinakamahalagang maiaalay natin sa Panginoon, yung pain, sacrifice is the most beautiful gift we can offer to God for other people,” paliwanag pa ni Joey. 

Sobrang hirap din daw ng mga treatment na ginawa sa kanya kabilang na ang chemotherapy pero ang pinaka-challenge ay ang pag-iisip kung ano ang magiging resulta ng gamutan.

“It’s also the uncertainty na of course, yes laban ka ng laban pero hindi mo rin naman talaga alam kung hanggang saan ka dadalhin nung paglalaban mo. Although, courage lang,” pahayag pa ni Joey Albert.

The post Joey Albert napaghandaan ang cancer: Laban ka lang nang laban appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments