Responsive Ad

Fruit vendor nahubaran, birdie nag-hello habang inaaresto

Fruit vendor nahubaran, birdie nag-hello habang inaaresto
Photos: Screengrab from Facebook

VIRAL ngayon sa social media ang video ng pag-aresto ng mga otoridad sa isang lalaking fruit vendor sa Cebu City.

Mapapanood sa naturang video ang umano’y agresibong pagdakip sa tindero ng prutas dahil sa ilegal na pagtitinda raw nito sa gilid ng kalsada 

Sa isang bahagi ng viral reel, makikitang halos mahubaran na ng damit ang vendor dahil sa pagpupumiglas sa mga umaaresto sa kanya.

Kasunod nito, tuluyan nang bumuka ang suot niyang shorts hanggang sa makita na nga ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Paliwanag ng lokal na pamahalaan ng Cebu, ginagawa lamang ng mga tauhan nila ang kanilang trabaho para mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa mga lansangan.

Bukod dito, patuloy din nilang ipinatutupad ang ordinansa sa nasabing lugar na nagbabawal sa sinuman na matinda sa lansangan.

Batay naman sa ilang report, mariing itinanggi ng lalaking fruit vendor na nagsilbi siyang imformant ng kapwa niya mga  tindero habang paparating ang mga aaresto sa kanila sa ilegal na pagtitinda.

Baka Bet Mo: 50-anyos na lalaki huli sa akto, binembang alagang aso ng kainuman

Pero inamin ng tindero na totoong nakainom siya nang maaresto pero dinenay niyang siya ang nagpasimula ng gulo. Pinakawalan din siya ilang oras matapos madakip.

Nagpaalala naman uli ang local government ng Cebu City sa mga residente at vendor na mahigpit pa ring ipinapatupad ang ordinansang nagbabawal na magtinda sa mga gilid ng kalsada na nagdudulot ng perwisyo sa mga motorista at pedestrian.

Samantala, handa namang sumuporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa inarestong vendor sakaling magdesisyon itong magsampa ng reklamo hinggil sa umano’y agresibong pag-aresto sa kanya.

The post Fruit vendor nahubaran, birdie nag-hello habang inaaresto appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments