Responsive Ad

Martin del Rosario hindi takot sa bakla, walang bad experience sa LGBTQ

Martin del Rosario hindi takot sa bakla, walang bad experience sa LGBTQ
Martin del Rosario

PROUD na proud na ibinandera ng award-winning actor na si Martin Del Rosario ang pagiging ally ng LGBTQIA+ community.

Isa si Martin sa sandamakmak na celebrities na dumalo sa ginanap na White Party Manila 2026 sa World Trade Center sa Pasay City last June 27, bilang bahagi ng Pride Month.

Kilala ang binata sa pagganap na bading at transwoman sa mga teleserye at pelikula na talaga namang nabibigyan niya lahat ng hustisya.

“Actually, I’m here to promote ‘yung CineMalaya movie namin, `yung ‘Tayo Lang Ang Nakakaalam’ with Tita Yayo Aguila, and Epy Quizon,” ang pahayag ni Martin.

“Hindi ko pa puwedeng sabihin ang kwento at baka ma-spoil, pero para ito sa mga LGBTQ, sa mga allies, para sa lahat. My role is, gay character, na may gay relationship. Hanggang doon lang muna ang puwede kong ikuwento,” sey ni Martin.

Patuloy pa niya sa pagganap ng bading, “Ako kasi paiba-iba naman ng characters. Minsan kontrabida, may sweet role, may May-December affair. ‘Yung last serye ko mabait naman ako.”

Hindi rin daw takot si Martin sa mga beki at in fairness, so far wala pa naman daw siyang bad experience sa mga miyembro ng LGBTQ. 

“Siguro kung magka-bad experience man ako, hindi dahil sa gay siya, kundi dahil sa ugali talaga ng tao. Hindi dahil sa sexuality,” aniya pa.

The post Martin del Rosario hindi takot sa bakla, walang bad experience sa LGBTQ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments