Responsive Ad

True ba, mahirap bang magbenta o magsanla ng ‘diamonds’ sa Pilipinas?

True ba, mahirap bang magbenta o magsanla ng ‘diamonds’ sa Pilipinas?
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

SA tuwing usapang investment ang alahas, madalas na ginto agad ang pumapasok sa isip ng maraming Pinoy. 

Pero paano naman ang diamonds? Totoo bang mas mahirap itong ibenta kumpara sa gold?

Iyan ang naging tanong ng BANDERA kay jewelry expert na si Mayet De La Rosa kamakailan lang sa isang anniversary event.

Ayon kay Mayet, isa sa mga dahilan kung bakit nag-aalangan ang ilan sa pagbili ng diamonds ay dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol dito.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Mula saleslady to Fairy Gold Mother inspirasyon sa sipag, tagumpay

“Kailangan niyo po talagang pag-aralan bago kayo bumili ng diamond,” paliwanag niya.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fpermalink.php%3Fstory_fbid%3Dpfbid0UKyzmio4kycMUNo5jGkvZgjxsZz5B2HwadmCZvcW1X9Atb3qx4CtQyhLGdYHEvqyl%26id%3D61576219632847&show_text=true&width=500" width="500" height="250" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Ang sabi pa niya, hindi tulad ng ginto na mas pamilyar sa karamihan, nangangailangan ng mas malalim na technical knowledge ang diamonds pagdating sa appraisal at resale value.

Gayunman, tiniyak ni Mayet na hindi dapat ikabahala ang pagbebenta ng diamond jewelry na nabili sa kanila.

“Once na nagbenta kami, sa amin niyo rin po ibebenta,” sey niya.

Ibinunyag pa ng jewelry expert na dalawa sa kanilang pamilya ang nagtapos ng pag-aaral tungkol sa diamonds sa pamamagitan ng Gemological Institute of America (GIA), isa sa mga kinikilalang institusyon sa larangan ng gemology.

Dahil dito, mayroon silang kakayahang mag-appraise ng diamonds at magbigay ng tamang valuation sa mga pirasong ibinebenta o ibinabalik ng kanilang mga kliyente.

“Kapag binalik sa amin, mabibigyan namin ng tamang revenue,” pagtitiyak ni Mayet.

Samantala, sinabi naman ni Nicole Hyala, ambassador ng brand, na malaking bahagi ng tagumpay ng negosyo ang tiwalang ibinibigay ng mga customer sa kumpanya.

Ayon sa radio personality, maraming suki ang patuloy na bumabalik hindi lamang dahil sa kalidad ng mga produkto kundi dahil sa pagiging tapat at sincere ng may-ari sa pakikitungo sa kanilang mga kliyente.

“Pag binili mo sa akin, tapos bigla ka nagipit, babalik ka lang sa akin,” paglalarawan pa niya sa isa sa mga prinsipyong sinusunod ng brand.

Naging bahagi ang usapang ito sa naganap na engrandeng selebrasyon para sa ika-20 anibersaryo ng Mayet De La Rosa Fine Jewelry, kung saan binalikan ng kumpanya ang naging journey nito sa industriya ng alahas.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fpermalink.php%3Fstory_fbid%3Dpfbid02PETdS5amA4zkv39BLokK3Jc51miqgtoeacXxa78UceLuuEvGSuWLNiYxXYUyzyGNl%26id%3D61576219632847&show_text=true&width=500" width="500" height="735" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Bumandera riyan ang fashion gala na tampok ang “Legacy in Motion,” isang runway presentation na nagkwento ng ebolusyon ng brand mula sa mga klasikong heirloom-inspired pieces hanggang sa mga modernong koleksiyon ng diamonds at gold jewelry.

Isa rin sa pinakamalaking pasabog ng gabi ang paglulunsad ng kauna-unahang fragrance collection ng brand.

Ayon kay Mayet, matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng sariling perfume line dahil bukod sa pagiging alahera ay mayroon din siyang background sa chemistry. 

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fpermalink.php%3Fstory_fbid%3Dpfbid02PtMZqAqTTrj7SYrwXSXA9aELTLpDQ4XNSVavjvWvqNwxacJhfwUJjUwE3XQ3pdgPl%26id%3D61576219632847&show_text=true&width=500" width="500" height="652" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Inspirasyon niya ang pagbisita sa Grasse, France, na kilala bilang sentro ng paggawa ng mga world-class perfumes.

The post True ba, mahirap bang magbenta o magsanla ng ‘diamonds’ sa Pilipinas? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments