Responsive Ad

Kaye Abad nakiisa sa Cancer Survivors Month: Here’s to life, healing

Kaye Abad nakiisa sa Cancer Survivors Month: Here’s to life, healing
Kaye Abad at Paul Jake Castillo

ISA ang Kapamilya actress na si Kaye Abad sa nagdiriwang ngayon ng Cancer Survivors Month matapos magtagumpay sa paglaban niya sa naturang karamdaman.

Ang National Cancer Survivors Month ay ginugunita tuwing buwan ng Hunyo upang bigyang-pugay ang lahat ng mga taong nalampasan ang nakamamatay na sakit. 

Layunin din nitong patuloy na magpalaganap ng kamalayan tungkol sa mga hamon na kinahaharap ng mga nakaligtas sa kanser sa kanilang pagbangon at pamumuhay pagkatapos ng sakit—kabilang ang mga aspetong pisikal, emosyonal, at pinansyal.

Sa Instagram post ni Kaye, ibinahagi niya sa publiko kung gaano kahirap at ka-challenging ang naging journey niya sa paglaban sa Big C pero mas pinili pa rin niyang magpakatatag at lumaban.

“It’s cancer survivors month. We celebrate every survivor, every scar, every silent battle, every tear, every prayer, and every victory. 

“What we went through was never easy, but here we are… still fighting, still standing, still choosing hope,” simulang mensahe ng aktres.

Umaasa at nananalangin si Kaye na huwag sanang sumuko at mawalan ng pag-asa ang lahat ng patuloy na lumalaban sa cancer. 

“To everyone who continues this journey, know that your strength inspires more people than you realize. 

“And through it all, let’s always remember that God is there, holding our hands during the hardest days, giving us strength when we feel weak. Never lose faith,” aniya.

Pagpapatuloy ng wifey ni Paul Jake Castillo, “Here’s to life, healing, courage, and second chances. Let’s continue to fight together. We are strong. We are survivors.”

Bumuhos naman ang mga positive and inspiring message and comments para kay Kaye mula sa mga netizens na nakaka-relate sa kanyang mga pinagdaanan.

Sa isang vlog ni Kaye, ikinuwento niya kung paano siya nagpasiyang magpa-mammogram matapos makaranas ng matagal na pananakit ng tiyan noong 2024. 

Nang matanggap niya ang mga resulta, sinabi ng kanyang doktor na may mga sintomas siya na nauugnay sa breast cancer.

“While the doctor was talking, parang lumulutang ang mga words na sinasabi niya. Parang hindi ko ma-absorb. Ang clear lang sa akin is yung sinabi niya na from the photo of the mammogram it’s 95% malignant,” ani Kaye.

Nagtungo ang aktres sa Singapore, kasama ang asawa para doon magpagamot hanggang sa kumpirmahin na ng mga doktor na cancer-free na siya.

The post Kaye Abad nakiisa sa Cancer Survivors Month: Here’s to life, healing appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments