Responsive Ad

Robin Padilla umamin: Mas masaya talaga sa showbiz kesa politika

Robin Padilla umamin: Mas masaya talaga sa showbiz kesa politika
Robin Padilla

PARA sa action star at public servant na si Sen. Robin Padilla, mas masaya ang mundo ng showbiz kesa sa politika.  

Nagpakatotoo ang veteran actor at senador sa pagkukumpara sa dalawang magkaibang mundo na pareho niyang ginagalawan ngayon.

Humarap si Padilla sa entertainment media after ng special screening ng comeback movie niyang “Bad Boy 3” under Viva Films nitong nagdaang June 4.

Bago ang nasabing event, nagkaroon pa ng tensyon sa Senado sa pagitan ni Robin at ni Department of Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla.

Pero marami ang nakapansin na members ng media na parang walang pinoproblemang isyu at kontrobersya ang action star bilang mambabatas.

Reaksyon ni Sen. Robin, “Sa totoo lang po, mas masaya sa showbiz kesa sa politika, malayung-malayo ho. Iba ang ligaya po sa shooting.

“Iba talaga ang itsura ko kapag politika, kapag politika talagang… siyempre, dala mo yung problema ng bayan. Iba talaga yung bigat nu’n.

“Ang showbiz, masarap kasi nag-e-entertain tayo ng mga tao, masaya yung mga tao, malayo (ang mundo ng showbiz at politics,” sabi pa ng senador.

Iba rin daw ang kaligayahang nararamdaman niya kapag kasama ang mga miyembro ng entertainment media.

“Talagang oo, kasi iba sa politika, e. Iba talaga yung bigat niya, ang bigat sa balikat. Ang tao, katulad kanina, ibang-iba, e. Kapag pupunta ka sa political event, hindi ganu’n ka-warm ang mga tao, tinitingnan ka, sinusukat ka.

“Kapag showbiz event, iba, e, niyayakap ka ng mga tao, pati picture-taking iba. Napakasarap ng buhay natin. Kaya alagaan natin ang showbusiness,” paalala pa ni Padilla.

Samantala, nakiusap din si Sen. Robin na suportahan ang mga panukalang-batas na ginawa niya para sa showbiz.

“Ako’y nananawagan din sa iba nating mga kasama kasi marami akong panukala. Nandiyan ang pagbibigay ng mga insentibo sa mga magagandang pelikula, katulad ng mga insentibo na binibigay sa Thailand, sa Korea. 

“Sana tulungan ninyo akong pumasa yung mga panukalang yun. Katulad nung panukala rin na magkaroon tayo ng sariling medical card.

“Sana yun ang tulungan n’yo, huwag yung nakikita ng mga tao na tayo-tayo nag-aaway sa pulitika. Dapat sana ay iisang direksyon tayo pagdating sa mundo natin. Tulungan natin ang isa’t isa,” sabi pa ni Sen. Robin.

The post Robin Padilla umamin: Mas masaya talaga sa showbiz kesa politika appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments