Responsive Ad

Rhed Bustamante nagsalita na sa ‘Pepsi Paloma’ movie: Ibinigay namin lahat

Rhed Bustamante nagsalita na sa 'Pepsi Paloma' movie: We did our best
Rhed Bustamante, Pepsi Paloma at Darryl Yap

UMAASA pa rin ang young actress na si Rhed Bustamante na maipalalabas pa rin sa mga sinehan ang pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Nakausap ng BANDERA si Rhed nang makasalubong namin siya papasok ng SM Megamall Cinema 2 kung saan naganap ang premiere night ng “Love, Ngo” ni Jerald Napoles.

Isa si Rhed sa mga celebrities na sumuporta sa comeback movie ni Darryl Yap na “Love, Ngo”, na siya ring nagdirek ng biopic ng namayapang sexy actress na si Pepsi Paloma.

Aminado si Rhed na nalungkot siya nang mabalitaang hindi muna maipalalabas sa mga sinehan ang “The Rapists of Pepsi Paloma” na kanyang pinagbibidahan.

Pero aniya, bahala na raw si Direk Darryl at ang buong production sa mga usaping legal patungkol sa kanilang pelikula.

Ano’ng feeling niya na talagang binalot ng kontrobersiya ang kanyang supposedly launching movie.

“About du’n sa controversy, kasi nandu’n na po yun, e. Parang…(wala na po tayong magagawa).”

“Ako po personally as an actress, medyo nalungkot ako, kasi siyempre ibinigay po namin lahat du’n…ako, yung mga co-actors ko, we did our best para mapaganda yung film.

“Pero, ayun po, we’re still hoping (na maipapalabas siya sa mga sinehan),” pahayag pa ng aktres na gumaganap nga bilang Pepsi Paloma sa biopic ng namayapang sexy actress.

Aware rin daw si Rhed na marami pa ring nag-aabang sa pagpapalabas ng kanilang pelikula at nagsasabing curious sila kung ano ba talaga ang kuwento ni Pepsi Paloma.

Kumusta naman ang naging working relationship nila ni Direk Darryl, “Sa experience ko po working with Direk, sobrang comfortable and madali po talagang ka-work lahat ng kasama sa movie.”

Nauna rito, sinabi ni Direk Darryl na tuloy ang laban nila sa kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanya ni Bossing Vic Sotto.

Ito’y dahil sa inilabas na teaser trailer ng “The Rapists of Pepsi Paloma” kung saan diretsahang nabanggit ang pangalan ni Vic. 

Kinasuhan ng two counts of cyberlibel ng Muntinlupa City Prosecutor’s Office si Direk Darryl base sa inilabas na resolusyon noong March 17.

Ayon kay Direk Darryl, tuluy-tuloy pa rin ang pagdinig sa kaso nila ng “Eat Bulaga” host, “To be very honest, medyo personal din kasi siya, kasi yung mga boss natin sa Viva are friends with those people.”

May posibilidad bang mauwi sa amicable settlement ang kaso? “Well, at the beginning of the chaos naman, I think it’s a requirement for every court to seek possible settlement. 

“But I leave it to my, lawyer, to Atty. (Raymund) Fortun kung ano ang nakikita niyang magandang kahihinatnan. But he’s (Vic) pursuing, e,” saad pa ng director ng blockbuster movie na “Maid in Malacañang.”

Sa kabila nito, pinanindigan pa rin ni Direk Darryl ang kuwento ng “The Rapists of Pepsi Paloma” at umaasa pa rin siya na maipalalabas ito sa mga sinehan sa tamang panahon.

“I want to show my film to the Filipino people. I don’t think I’ll be persuaded to keep it hidden. Hindi ko alam kung anong magiging terms if ever my ganyan (settlement). Basta gusto kong maipalabas ang pelikula namin,” esplika pa niya.

The post Rhed Bustamante nagsalita na sa ‘Pepsi Paloma’ movie: Ibinigay namin lahat appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments