Yasmien Kurdi binengga sa pag-aabogasya: Flex mo pag bar review ka na!

BINASAG ng isang basher ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi matapos ibandera sa social media ang kanyang journey sa law school.
Nag-post kasi si Yasmien sa Instagram ng litrato kung saan makikita ang mga librong ginamit at binasa niya para sa pasisimula ng pag-aaral niya ng abogasya.
Ayon sa aktres at celebrity mom, hindi raw siyang matatawag na bookworm pero sa law school ay mapipilitan kang mahalin ang pagbabasa.
Maraming natuwa at humanga sa pagpupursigi ni Yasmien na makatapos ng law pero may isa ngang IG user (champaka) ang nangnega sa kanya.
Mababasa sa comments section ang post nitong, “Ang hirap maging law student! First year ka pa lang! Maka-flex! Flex mo kapag bar review ka na!”
Ni-repost ni Yasmien ang komento ng hater sa kanyang Facebook page at cool na cool na pinayuhan ito sa halip maghabol sa ibang tao at mga pressure sa buhay, matuto itong ipagdiwang ang kanyang mga achievement sa buhay.
“Just enjoy every journey, celebrate the small wins, and be proud of every little step you achieve in life. Siguro kung mas bata-bata pa ako, baka apektado pako.
“Pero sa edad ko ngayon, mas nare-realize ko na life is too short talaga. Just enjoy every journey. Hindi naman laging tungkol sa bilis ng pag-abot sa destination, nakaka-pressure ’yun.
“Sino ba ang hinahabol mo? Sarili mo o ibang tao? Nakakalungkot naman kung ibang tao ang hinahabol mo.
“Minsan, kapag na-appreciate mo ang proseso at ang growth along the way, mas nagkakaroon ng halaga ang lahat, diba?” ang pahayag ni Yasmien sa basher.
Dagdag pa ng Kapuso star, mag-take man daw siya ng bar exam o hindi, “go with the flow” lang daw ang peg niya at susunod lamang kung ano ang plano sa kanya ni Lord.
“Enjoy mo lang ang course and life! Bahala na kung magba-Bar o hindi. Just go with the flow. Kung ano ang plan ni Lord for us, dun tayo. Huwag masyadong magpapadala sa pressure ng buhay.
“It’s nice to document everything para maka-inspire din ng ibang tao. Bawal ang sobrang seryoso at pressure sa life, baka mabaliw tayo. Hahaha. Smile lang, champaka! And just do your best in everything you do.
“Mahirap talaga ang law school kasi napakahaba ng preparation. Pinaghahandaan na kami para sa Bar as early as first year. Pagod, hirap, at luha ang kasama sa journey.
“Noong una, naisip ko rin kung ise-share ko ba ang law school journey ko o hindi. Pero dahil challenging siya, nakaka-proud isipin na naka-survive ako ng isang taon! Amazing!
“At the end of the day, ang mahalaga ay patuloy kang sumusulong… at isang hakbang lang bawat araw. Isa lang ang katawan natin,” aniya pa.
Mensahe pa niya sa basher, “Also be happy for your friends kapag successful sila… wag kang bitter, dahil iba-iba naman tayo ng timeline at pinagdadaanan sa buhay. Walang karera.
“Enjoy the process, the self-realizations, the learnings and don’t forget to live! may pamilya pa tayo ha! haha. Bawal stress, baka magkasakit pa tayo.
“Be proud of yourself and of everything you’re doing. Malayo ang narating mo. Be proud and Smile,” hirit pa ng aktres na ang favorite subject ngayon ay ang Criminal Law.
The post Yasmien Kurdi binengga sa pag-aabogasya: Flex mo pag bar review ka na! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments