Responsive Ad

Smart locks sa bahay: Gaano nga ba ito kaligtas laban sa hackers?

Smart locks sa bahay: Gaano nga ba ito kaligtas laban sa hackers?
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

KUNG dati ay nawawalang susi ang problema ng mga homeowner, ngayon naman ay hacking ang isa sa mga pangunahing kinatatakutan ng ilan pagdating sa paggamit ng smart locks.

Habang parami nang parami ang mga Pilipinong interesado sa smart home technology, marami rin ang nagtatanong kung ligtas nga ba talagang gamitin ang mga smart lock o mas madali itong mapasok ng mga hacker?

Nakausap ng BANDERA si Aya Castillo, Product Marketing Manager ng ASSA ABLOY Philippines, Inc., sa naganap na Smart Yale Home launch sa Wilcon Depot Balintawak at diyan namin natanong ang ilan sa mga pangamba ng publiko tungkol sa digital home security.

Ayon kay Castillo, isa sa pinakamahalagang dapat tingnan ng mga consumer ay ang seguridad ng mismong app na ginagamit ng smart lock.

Baka Bet Mo: Bagong modus target ang seniors, babala ng QC: Walang pinamimigay na ‘cake’!

“In terms of the hacking part naman, I can proudly say na ‘yung Yale Home app namin, binuild talaga siya ni Yale,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, may iba’t ibang authentication measures na inilalagay upang masigurong protektado ang access ng mga user.

Pero tulad ng ibang digital platforms, may papel pa rin ang may-ari sa pagpapanatiling ligtas ng account.

“Depende rin sa user. Pwede mo siyang lagyan ng password at iba’t ibang authentication features para hindi siya basta-basta mabuksan ng ibang tao,” wika ni Castillo.

Bukod sa usapin ng cyber threats, isa rin sa mga concern ng homeowners ang aktwal na pagpilit sa pinto o physical break-ins.

Sabi ni Castillo, may mga smart locks na may built-in protection laban sa ganitong uri ng pagtatangka.

“May tinatawag tayong forced lock. Kapag may nagtatangkang pumasok o pilitin ang lock, automatic siyang nag-a-activate at mananatiling naka-lock ang mekanismo,” esplika niya.

Sa event, ipinakita rin kung paano gumagana ang ilan sa mga pinakabagong smart lock technologies na unti-unting nagiging bahagi ng modernong pamumuhay.

Isa sa mga umagaw-pansin ay ang paggamit ng facial recognition at palm recognition bilang alternatibo sa tradisyunal na susi.

Maging ang celebrity mom na si Iza Calzado ay nakisubok sa ilan sa mga features habang ipinapakita kung paano maaaring gawing mas madali ang pagpasok sa bahay nang hindi na kinakailangang maghanap pa ng susi sa bag o bulsa.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid037x1Kq6TMuNnSMznvSeskJHiwNAJ7Cike7X1nwnQG586L8MXDRhEougDh3Lu4sR4Jl&show_text=true&width=500" width="500" height="250" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Ayon kay Castillo, isa sa mga dahilan kung bakit dumarami ang interes ng publiko sa smart locks ay ang kagustuhang magkaroon ng dagdag na seguridad at kapanatagan sa loob ng tahanan.

Gayunman, tulad ng iba pang connected devices, paalala ng mga eksperto na nakasalalay rin sa tamang paggamit ng may-ari ang kaligtasan ng smart security systems. 

Kabilang dito ang paggamit ng matitibay na password, pag-update ng software, at pag-iwas sa pagbabahagi ng access sa hindi mapagkakatiwalaang tao.

Bagama’t walang security system na 100% immune sa anumang panganib, naniniwala ang mga eksperto na ang kombinasyon ng digital authentication, app security, at physical lock protection ay nagbibigay ng dagdag na layer ng seguridad kumpara sa karaniwang susi at kandado.

Samantala, bahagi ng kampanya para sa mas ligtas at mas connected na tahanan ang Smart Yale Home Pop-up Booth na matatagpuan sa Wilcon Depot Balintawak hanggang June 30. 

Tampok dito ang iba’t ibang smart security solutions at mga promo para sa mga interesadong homeowners na gustong matuto pa tungkol sa modernong home security systems.

The post Smart locks sa bahay: Gaano nga ba ito kaligtas laban sa hackers? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments