Responsive Ad

DOST-PAGASA inilunsad interactive weather app bilang paghahanda sa mga pag-ulan

DOST-PAGASA inilunsad interactive weather app bilang paghahanda sa mga pag-ulan

NAGLUNSAD ang Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ng kanilang interactive weather mobile app bilang paghahanda sa mga pag-ulan dala ng Habagat at mga bagyo.

Sa inilabas na pahayag ng ahensya nitong Lunes, June 15, maaari nang gamitin at i-download ang naturang mobile app.

Tinatawag itong PAGASA National Hydro-Meteorological Observing Network (PANaHON) mobile app, isang digital platform na mayroong sumusunod na features upang makapagbigay ng weather update sa netizens na gagamit nito:

  • Interactive map na may kasamang near real-time weather data. 
  • Notifications hinggil sa tropical cyclone bulletins, thunderstorm at heavy rainfall warnings, at flood advisories. 
  • Hourly forecasts at five-day weather outlook upang mabigyang kaalaman ang users sa magiging panahon sa kanilang pinned location.

Baka Bet Mo: ALAMIN: El Niño sa bansa ano ang aasahan, paano paghahandaan?

Bandera IG

Ipinaalala naman ng DOST-PAGASA ang kahalagahan ng paghahanda sa mga mamamayan, mga ahensya ng pamahalaan, at mga lokal na komunidad upang matiyak ang kaligtasan sa kasagsagan ng mga sakuna at kalamidad.

Matatandaang inanunsyo ng PAGASA ang opisyal na pagsisimula ng panahon ng Habagat noong May 30, kasunod ang pagpasok ng tag-ulan noong June 4.

The post DOST-PAGASA inilunsad interactive weather app bilang paghahanda sa mga pag-ulan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments