Responsive Ad

MANANG-MANA KA SA TATAY MO! Lexi Gonzales naging matapang tulad ni Papa

MANANG-MANA KA SA TATAY MO! Lexi Gonzales naging matapang tulad ni Papa
Lexi Gonzales

IPINAGMAMALAKI ng Kapuso actress na si Lexi Gonzales na namana niya ang pagiging strong at palaban sa buhay sa pinakamamahal niyang tatay.

Medyo masalimuot at madrama ang naging relationship nila noon ng kanyang ama dahil sa pag-iwan sa kanilang pamilya when she was only 3 years old.

Pero mas pinili pa rin ng aktres na magpatawad at tanggapin ang lahat at kalimutan na ang past. 

“We’re closer now. There was forgiveness. It’s hard to hold grudges, especially toward a parent. He’s still my father,” ang sabi ni Lexi sa isang panayam.

Nang makachikahan namin ang dalaga, bilang bahagi ng selebrasvon ng Father’s Day sa Linggo, June 21, natanong nga namin kung ano ang namana niyang traits sa kanyang tatay.

“The traits I got from my dad, I guess, yung pagiging business minded, and then I always want to create something that would make my life better. 

“And yung pagiging tough, I guess. My dad is so tough so nagiging ganu’n na rin ako. I’m learning through his footsteps.

“And my dad naman and I are open to each other, he tells me his mistakes and ako din naman ganu’n. 

“Hindi ako natatakot to tell him my mistakes. So, ayun, being open is also what I got from my dad,” aniya pa.

Ano naman ang best advice na natanggap niya from his dad? “Don’t be scared to try. Because if you don’t try, then mas walang mangyayari.”

The post MANANG-MANA KA SA TATAY MO! Lexi Gonzales naging matapang tulad ni Papa appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments