Christian Bables matapang na lumalaban para sa LGBTQ: I’m a proud ally

ISA ang Kapamilya actor na si Christian Bables sa mga male celebrities na patuloy na lumalaban para sa LGBTQIA+ community.
Para kay Christian na palagi ring kinukuwestiyon ang sexual preference, at napagkakamalang bading, something personal sa kanya ang pakikiisa at pagsuporta sa LGBTQ.
“Never get tired of standing and fighting for what you believe is right kasi walang ibang titindig para sa inyo o para sa mga parte ng komunidad kundi tayo.
“I’m a proud ally, and I guess it’s safe to include myself. So walang iba na titindig sa kung ano man ‘yung ating mga pinaglalaban kung hindi tayo. Hanggang sa marinig tayo nang marinig,” pahayag ni Christian sa panayam ng ABS-CBN.
Tungkol naman sa isyu ng mga taong hindi pa rin tanggap ang mga beki, lesbian at iba pang miyembro ng komunidad, may reaksyon din si Christian dito.
“Naririnig naman, eh. Meron lang talagang iba na, ‘yung mga taong tingin nila sila lang ang mapupunta sa langit. Pero iilan na lang ‘yung mga ‘yun,” sey pa ng aktor
Samantala, muling nagsalita si Christian sa naturang interview about those people questioning his real gender identity.
Kilala si Christian sa pagganap na bading at drag queen sa mga teleserye at pelikula kaya marami ang nag-aakalang ganu’n din siya sa tunay na buhay.
“Sa akin, okay lang kasi hindi naman ako affected talaga ng kahit ano mang naririnig ko. Kasi kahit na, again, tumambling ka diyan, hugutin mo ‘yung mata mo from your eyeball mo, from your eye socket, hindi mo mababago ang perception ng tao sa ‘yo.
“Kung ito ang standards nila ng pagiging straight at pagiging hindi, you can never change that – kahit anong gawin mo, ‘no?” diretsong sagot ng aktor.
“I respect that. If iniisip ng mga tao, ganito ang sekswalidad ni ganito, ganito ang sekswalidad ni ganyan, I mean that’s them, eh.
“And sino naman ako or sino naman tayo para kuwestiyunin kung ano ‘yung standards nila. Siguro ang masasabi ko, ang sekswalidad ng isang tao is none of your business.
“Unless may balak kang asawahin ‘yung taong ‘yun o may magandang maidudulot sa’yo ‘yung information about that person’s sexuality, dapat hindi siya itinatanong.
“That’s really none of your business. Kasi hindi ikaw ang magmamahal, hindi ikaw ang may preference, kundi sila. Ibigay niyo sa mga tao ‘yun. That’s their thing to keep. And again, wala, dapat kayong pakialam sa sekswalidad ng iba,” paliwanag niya.
Matatandaang sa interview ni Ogie Diaz noong 2022, itinuturing ng aktor bilang heterosexual, “And with the question, ano ba talaga si Christian Bables? Well I identify as a straight guy, straight man.
“My preference and my attraction is with the opposite sex,” sey pa niya.
The post Christian Bables matapang na lumalaban para sa LGBTQ: I’m a proud ally appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments