Responsive Ad

Ellen Adarna: Mataas standards ko sa lalaki kasi lola ko binigyan ng temple

Ellen Adarna: Mataas standards ko sa lalaki kasi lola ko binigyan ng temple
Ellen Adarna at ang Temple of Leah

KNOWS n’yo ba na napakalaki pala ng naging impluwensiya kay Ellen Adarna ng kanyang lolang si Leah Adarna.

Naikuwento ng estranged wife ni Derek Ramsay na tumaas ang standards niya sa mga lalaki bilang karelasyon nang dahil kay Lola Leah. 

Nagkuwento si Ellen tungkol sa namayapa niyang grandmother at kung bakit nagkaroon ng Temple of Leah, isa sa mga sikat na tourist destination sa Cebu.

Sa nakaraang episode ng online talkshow ni Melai Cantiveros na “Kuan On One”, naibahagi nga ni Ellen na talagang ipinatayo ang Temple of Leah para sa lola niya.

Kuwento ni Ellen, nu’ng una raw, ipinatayo ng lolo niyang si Teodorico Adarna para maging storage space ng mga bonggang collection ng lola niya, kabilang na ang mga mahahalagang pamana ng pamilya.

“Actually, ang lola ko hoarder siya. Hindi talaga ‘to dapat  tourist spot. Originally hindi talaga kasi ang daming gamit ng lola ko sa bahay,” ang chika ni Ellen sa salitang Bisaya.

“Dahil maldita ‘yung lola ko, sabi niya, ‘Kung ibebenta niyo ang gamit ko, mumultuhin ko kayo lahat!’ Ang dami niyang drama na ganu’n,” rebelasyon pa ng dating sexy actress. 

“So naisip ng lolo ko sige ‘yung lupa sa Busay gawan na lang natin ‘yan ng storage. So ‘yan storage talaga siya ng kanyang gamit. 

“Storage siya pero ginawang ganun ang design. Trip lang din ng lolo ko kasi wala siyang magawa,” aniya pa.

“Tapos, bigla na lang ‘yung mga tao pumupunta du’n. Magde-date, magpi-picture. So ginawa na lang siyang negosyo,” sey pa niya.

At dahil nga sa Temple of Leah, “Kaya mataas ang standards ko sa lalaki kasi ‘yung lola ko binigyan ng temple.”

Hirit pa niya, “Pinalanganan lang na Temple of Leah kasi gamit niya ‘yun lahat. Nilagay du’n lahat na hinoard niya.”

Pagpapatuloy pa ni Ellen, “Ako ang eldest, and then only girl. Ang lola ko isa lang ang anak niya na babae. Tapos ang kanyang dalawang apo at that time before me, are Manila-based na babae so ako lang ang nasa Cebu. 

“So ako ‘yung kinuha niya. So du’n ako lumaki sa lola ko. Du’n ako nagmana. Ang aking pagkamaldita at pagkamatapang kay Leah ko namana,” chika pa ni Ellen.

The post Ellen Adarna: Mataas standards ko sa lalaki kasi lola ko binigyan ng temple appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments