Pinoy Coffee nagningning sa Paris competition; wagi ng gold, silver, bronze!

ANG bongga naman, palaban pala ang kape ng Pilipinas pagdating sa ibang bansa!
Pinatunayan kasi ng Pinoy coffee na kaya nitong makipagsabayan at makipagtagisan sa pinakamahuhusay sa mundo matapos mag-uwi ng mga parangal mula sa isang prestihiyosong international competition sa Paris, France.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkamit ng gold, silver, at bronze medals ang tatlong coffee farms mula sa Pilipinas sa Agence pour la Valorisation des Produits Agricoles (AVPA), isang kilalang kompetisyon sa Paris na tumitingin sa kalidad ng mga agricultural products mula sa iba’t ibang bansa.
Ayon kay Coffee Heritage Project Executive Director Rich Watanabe sa dinaluhan ng BANDERA na launch ng “Proudly Ours” campaign ng Department of Tourism (DOT) at Pickup Coffee, ang tagumpay na ito ay hindi basta panalo lamang kundi bunga ng mahaba at masusing pagsisikap para itaas ang kalidad at halaga ng Philippine coffee sa pandaigdigang merkado.
Baka Bet Mo: Yearend 2024: Mga Pinoy na nagningning, itinaas ang bandera sa int’l stage
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid0443pGLbBFkhB6WBYV3Bqj8THPhMDYVaoJK7LSypCteXE1KRPyo7tQGb9RkfUTkVQl&show_text=true&width=500" width="500" height="646" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Ibinahagi niya na sa loob ng mahigit 200 taon ng kasaysayan ng kape sa Pilipinas, marami pa ring lokal na magsasaka ang nananatiling nasa maliliit na sakahan at ang iba pa nga ay hindi pa natitikman ang sarili nilang ani matapos itong ma-roast.
Dagdag pa niya, marami sa mga ito ang hindi rin nakikita ang tunay na halaga ng kanilang produkto sa merkado, isang agwat na patuloy na tinutugunan ng Coffee Heritage Project sa pamamagitan ng pagsasanay, pag-angat ng kalidad, at pagbubukas ng mas malawak na merkado para sa mga magsasaka.
“Every year, we bring Filipino coffees to international competitions to see how they stand alongside some of the best in the world,” sey ni Watanabe, sabay banggit sa AVPA competition sa Paris kung saan sabay-sabay na hinuhusgahan ang mga produkto mula sa iba’t ibang bansa.
Iginiit din ni Watanabe na mahalagang hindi lamang produkto ang makilala kundi pati na rin ang mga kwento ng mga magsasaka at komunidad sa likod ng bawat butil ng kape.
Kasabay nito, ipinagdiwang din ang kampanyang “Proudly Ours” ng Pickup Coffee katuwang ang DOT na layuning itampok ang yaman ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagkain, inumin, at lokal na produkto.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1562403295592915%2F&show_text=false&width=267&t=0" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
Bahagi ng kampanya ang mga bagong Pinoy-inspired flavors tulad ng Auro Tsokolate mula Davao cacao, Peanut Brittle Latte na hango sa Baguio pasalubong, Ube Cheese Cream Milk na inspirasyon ng paboritong sorbetes ng mga Pinoy, at Mango Graham Milk na paalala ng mga handaan at okasyong pampamilya.
The post Pinoy Coffee nagningning sa Paris competition; wagi ng gold, silver, bronze! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments