Catriona Gray napahugot sa katiwalian sa bansa sa Araw ng Kalayaan

HINDI napigilan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang magnilay-nilay sa sitwasyon ng bansa habang ginugunita ang ika-128 Araw ng Kalayaan nitong Biyernes, June 12.
Sa kanyang Facebook post, inamin ng beauty queen na minsan ay nakakaramdam na rin siya ng pagod sa patuloy na pagtindig at paglaban para sa bayan.
“Nakakapagod minsan. Nakakadismaya rin,” panimula ni Catriona.
Pagpapatuloy niya, “Pero sa kabila ng lahat, pinipili pa rin nating mahalin ang Pilipinas.”
Baka Bet Mo: Catriona Gray nanawagan ng accountability, transparency sa gobyerno
Giit ni Catriona, sa kabila ng hirap ag mga problemang kinakaharap ng Pilipinas, naniniwala pa rin siyang maaaring magbago ang lahat.
“Hindi dahil wala siyang pagkukulang, kundi dahil naniniwala tayong kaya pa nating maging mas mabuti bilang bansa,” sabi pa niya.
Hiling rin ni Catriona na sana’y dumating ang panahon na hindi lang June 12 ipinagdiriwang ang kalayaan ng Pilipinas.
“Sana dumating ang panahon na ang kalayaan ay hindi lang ipinagdiriwang tuwing June 12, kundi nararamdaman ng bawat Pilipino – malaya sa gutom, takot, at kawalang hustisya.
“Hanggang doon, tuloy lang. Tuloy ang pag-asa. Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas,” pagtatapos ni Catriona.
Tulad ng beauty queen, ito rin ang hiling ng mga netizens base sa mga comments sa kanyang post.
“Tuloy lang aa paggawa ng tama. Alagaan natin ang ating kalayaan,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Ms Catriona, I have nothing but R E S P E C T to you.. Thank you for being a burning torch to our countrymen!”
“Kaya sa darating na eleksyon 2028’ palayain na natin ang bansa sa mga buwaya na namumugad sa loob ng gobyerno at palitan na silang lahat. Baguhin na natin ang bansa at palayain sa kurapsyon,” sabi naman ng isa.
The post Catriona Gray napahugot sa katiwalian sa bansa sa Araw ng Kalayaan appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments