Responsive Ad

Vivamax bombshell Mica Nicdao ‘di umubra kay Gabriel Go ng MMDA

Vivamax bombshell Mica Nicdao 'di umubra kay Gabriel Go ng MMDA
Gabriel Go at Mica Nicdao

NAG-VIRAL sa social media ang Vivamax actress na si Mica Nicdao matapos mahuli dahil sa violation ng kanyang sasakyan sa kalsada.

Hindi kasi umubra ang kagandahan at kaseksihan ni Mica kay Gabriel Go nang mahuli ang driver ng kanyang sasakyan dahil sa nagawang paglabag sa traffic rules.

Sa mga hindi pa nakakakilala kay Gabriel, siya ang head ng Special Operations Group-Strike Force ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Makikita sa Facebook post ni Gabriel ang isang video kung saan hinahatak na ng mga operatiba ng MMDA ang kotse ni Mica.

“Ibahin niyo ko! Kahit Vivamax pa hindi umubra! Hatak kung hatak as long as may violation the law applies to all,” ang mababasa sa caption ni Gabriel sa kanyang FB post.

Kasunod nito, pinayuhan ni Gabriel ang VMX star ng dapat nilang gawin para maabswelto nang mas mabilis sa kanilang kaso.

“The least that I can offer is puwede nang sumama ‘yong driver n’yo kung gusto n’yo. 

“Ngayon, para hindi na siya mahirapan pumuntang Tumana, Marikina. Then you can process the documents,” sabi ng head ng MMDA-Special Operations Group-Strike Force.

Nag-post din sa Facebook si Mica tungkol sa insidente at pinuri pa si Gabriel sa kabila ng paghuli sa kanila. Hindi rin daw niya ito nagawang kontrahin at kuwestiyunin.

“Malambing naman si Gabriel Go kaya di ko na inaway,” ang post ng sexy star.

Sumagot naman ang MMDA officer kay Mica, “Malambing lang ako sa umpisa.”

Napanood si Mica sa ilang Vivamax movies, kabilang na ang “Dayo” na ipinalabas noong 2024 ay idinirek ni Sidney Zaid Pascua.

The post Vivamax bombshell Mica Nicdao ‘di umubra kay Gabriel Go ng MMDA appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments