Nawawalang kapatid ni Jericho Rosales nakita na sa probinsya; umiwas sa rehab?

NAKAHINGA na nang maluwag ang pamilya ni Jeremiah Rosales na anim na araw na hindi nagparamdam sa kanila at maging sa kuya nitong si Jericho Rosales.
Nag-trending at sinulat namin dito sa BANDERA ang pinost ni Jhen Go sa kanyang Facebook account nitong Hunyo 25 na nawawala si Jeremiah, ama nang kanyang mga anak simula nang tumakas ito para hindi abutan ng mga taga-rehabilitation center.
Nagkaroon daw ng relapse o pagbabalik sa dating bisyo ni Jeremiah, base sa kwento sa amin ni Jhen nang makausap namin sa Facebook messenger.
Nabanggit nga pa nga niya na ibabalik ulit sa rehab ang kapatid ni Jericho, bagay na ayaw ni Nuki (palayaw ni Jeremiah) dahil may trauma na.
Baka Bet Mo: Jericho Rosales nagsalita na sa pag-‘snob’ kay Kim Chiu: I have no idea
Tinanong namin kung bakit nagka-trauma at nahirapan si Jeremiah, e, sa pagkakaalam namin kapag nasa pribadong rehabilitation center ka ay may sinusunod na programa sa araw-araw, maayos ang pagkain, maayos din ang higaan at maayos din ang trato ng mga staff.
“Hindi ko alam Ate basta sabi ni Nuki mahirap ang buhay sa rehab at nakwento niya sa interview kay Julius Babao (Unplugged) kaya ayaw niya bumalik,” bungad ng kwento ni Jhen sa amin kahapon, June 26.
Kaya dahil sa takot ay tumakas si Jeremiah noong June 20 at dinala ang motor niya at hindi na nga siya nakita.
“Grabe ang kabog ng dibdib ko ate kasi limang araw siyang wala, nagpahula na nga ako, sabi naman may heartbeat pang nakikita, so buhay, kaya lang asan siya,” sambit ni Jhen sa amin.
At saktong anim na raw mula nang mawala si Jeremiah ay may tumawag na kaanak kay Jericho na nasa Bikol daw ang kapatid at doon nagtuloy.
“Dun nagtago sa Bicol ate may kumontak na kamag-anak katatawag lang ni Kuya Jing (Echo) sa akin,” kwento ni Jhen.
Taga-Bicol ang ina nina Echo at Nuki at madalas din namang dumadalaw ang magkapatid noon sa probinsya ng nanay nila, pero ngayon ay dito na sa Manila nakabase Ginang Rosario Rosales at sa pagkakaalam namin ay nasa pangangalaga ito ng una.
Binalikan namin ng tanong si Jhen dahil nabanggit niya na malala na ang kaso ni Jeremiah dahil nagsasalita itong mag-isa at kinakausap ang sarili, sabi namin na kung may sayad ang kanyang partner ay paano ito makakauwi ng Bicol at nabanggit pa na ang motor na sinakyang palabas ng Maia Alta subdivision ay iniwan sa kapitbahay dahil nag-commute patungong probinsya.
“Oo nga ate, e, heto papakuha ko sa anak ko,” sambit ni Jhen.
Nabanggit din na susunduin si Jeremiah sa Bicol at diretso rehab.
“Oo ate, desidido kuya (Echo) niya na ipakuha do’n (Bicol) pagdating niya kasi nasa Iloilo pa siya ngayon may shoot,” chika ni Jhen.
Nabanggit namin kay Jhen na hayaan muna nila si Jeremiah sa Bicol baka naman umayos ito doon dahi bagong environment, iba ang mga kausap, nakakakilos, nakakain ng fresh vegetables at isda at baka hindi niya hanapin ang bisyo.
Sumang-ayon naman si Jhen sa amin, “Suggest ko po ito kay kuya (Echo) kahit ako man ayoko ma-rehab siya baka need lang bago community o surroundings ‘di ba ate?”
Sa kasalukuyan ay hoping sina Jhen at mga anak nila ni Jeremiah na maging okay ito sa probinsya para hindi na kailangang ibalik sa rehab dahil may trauma ito.
The post Nawawalang kapatid ni Jericho Rosales nakita na sa probinsya; umiwas sa rehab? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments