Rina Andrea Delos Santos itinanghal bilang Miss Philippines Earth 2026

KINORONAHAN si Rina Andrea Delos Santos ng Ballesteros, Cagayan ay bilang Miss Philippines Earth 2026.
Ginanap ang coronation ng naturang beauty pageant sa Cultural Center sa Malitbog, Bukidnon nitong Sabado ng gabi, June 27.
Tinalo ni Rina ang 31 delegado at matagumpay na nasungkit ang korona sa ilalim ng Miss Philippines Earth theme ngayong taon na, “Love in Action.”
Bukod sa korona, nagwagi rin ng special awards ang pambato ng Ballesteros, Cagayan gaya ng na Miss Hana award.
Baka Bet Mo: Miss Philippines Earth 2026 Top 5 pinangalanan na
Pasabog rin ang naging sagot ni Rina sa tanong kung paano niya bibigyang-halaga ang responsibilidad ng korona sa diwa ng pagmamahal at pagkilos.
“As a community tour guide, I’m not just ready for the crown, but I am ready for the environmental and global responsibility that comes with it. I guide it every single day in working towards putting the Philippines in a position that is not just a model for sustainability and environmental stewardship, but also a destination of beauty.
“And for me, that exactly what is love in action. Remember, love changes nothing unless it moves, and when it moves, it truly changes everything. Thank you,” sey ni Rina.
Sa naturang gabi, inanunsyo rin ni Deakin ang mga 2026 Elemental Queens na makakasama ng itinanghal na reyna sa pagsusulong ng eco-tourism at pangangalaga sa kalikasan.
Kabilang sa bagong hanay ng mga reyna ang Miss Air 2026 mula sa Tumauini, Isabela; Miss Water 2026 mula sa Mandaluyong City; Miss Fire 2026 mula sa Agoo, La Union; at Miss Eco Tourism mula sa Siocon, Zamboanga del Norte.
Iginawad din ang mga espesyal na parangal para sa Best in Cultural Attire. Nakuha ng Cabanglasan, Bukidnon ang Gold distinction, habang naiuwi naman ng Cebu at Lantapan, Bukidnon ang Silver at Bronze awards.
The post Rina Andrea Delos Santos itinanghal bilang Miss Philippines Earth 2026 appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments