Robin barag sa Akbayan: Gustong ikulong 10-anyos pero si Bato pinatakas

BINENGGA ng Akbayan Partylist si Sen. Robin Padilla dahil sa panukala nitong ibaba ang edad ng criminal responsibilty ng bata mula 15 patungong 10-anyos.
Kaugnay pa rin ito ng malagim na pamamaril ng dalawang menor de edad sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City noong Lunes ng umaga, June 22.
Tatlong estudyante ang nasawi sa madugong insidente matapos tamaan ng bala ng baril, habang 20 iba pa ang nasugatan.
Sa Facebook page ng Akbayan, binasag nila ang pahayag ni Padilla na sinasamantala umano ang bayolenteng trahedya para isulong ang ipinaglalaban nitong panukala.
“Gusto ni Robin ikulong ang mga 10-year-old, pero ang 64-year-old na si Bato dela Rosa na akusadong mass murderer ay pinatakas niya,” ang sabi ni Akbayan Partylist President Rafaela David.
“Preso para sa mga bata, pero takas para kay Bato? Anong klaseng pag-iisip ‘yan,” dugtong pa niya.
Hindi raw maituturing na rehabilitasyon ang pagpapakulong sa mga batang hindi pa ganap ang pag-unawa sa tama sa mali.
“E, si Robin nga, nasa hustong gulang at pag-iisip noong nakulong, nagbago ba?
“Hindi ba’t nilabag na naman niya ang batas sa pagtulong kay Bato na tumakas? How much more children, whose minds are still developing?” ang mariing punto pa ng Akbayan president.
Ang tinutukoy niya ay ang pagtulong ni Padilla sa pagtakas sa batas ni Sen. Bato dela Rosa na hanggang ngayon ay hinahanting pa rin ng mga otoridad.
Pero ayon kay David, naninindigan pa rin sila para sa pamilya ng mga biktima ng insidente.
Pero para kay Sen. Robin, ito na ang tamang panahon para pakinggan at maisabatas ang panukala niya sa hinggil sa mga dapat baguhin sa Juvenile Justice and Welfare Act.
Ang mga suspek sa Tacloban shooting ay mga estudyanteng edad 14 at 15. Sa ilalim ng Republic Act No. 9344, ang mga batang 15 years old and below ay “exempted from criminal liability but will undergo appropriate intervention from the social welfare office.”
Pero ayon sa mga otoridad, ang 15-anyos na suspek ay sasailalim pa sa evaluation ng City Social Welfare and Development Office, at kung mapapatunayang ginawa at naiintindihan na nito ang krimen, sasampahan agad siya ng mga kaukulang kaso.
“Sa aking mga kasamang senador, sana bigyan niyo naman ho ng panahon at pagkakataon ‘yung aking panukala, i-amend na natin ‘yang Juvenile ano na ‘yan,” ani Padilla sa isang panayam.
“Kasi talagang ang dami na eh, nasa mukha na natin. Alam ninyo, hindi lang dito sa Pilipinas na merong ganiyan na yung edad eh ibinababa,” aniya pa.
“Immediate, kung ganito na nagagaya na tayo sa Amerika na may namamaril na sa loob ng paaralan, siguro ito yung panahon na kung seseryosihin natin ito, ito yung pang-special session,” aniya pa.
The post Robin barag sa Akbayan: Gustong ikulong 10-anyos pero si Bato pinatakas appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments