Tuesday Vargas: Paano umabot na nilagay na ng mga bata sa kamay nila ang batas?

NAGLABAS ng saloobin ang aktres at host na si Tuesday Vargas patungkol sa nangyaring pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Tatlong estudyante ang namatay sa insidente habang umabot na sa 20 ang naiulat na nasugatan. Naaresto na ang dalawang menor de edad na suspek at nasa kustodiya na ng mga otoridad.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Tuesday kaugnay ng usapin kung dapat nga bang kasuhan at ikulong ang mga namaril sa loob ng nasabing eskuwelahan.
“IKULONG NANG 12 AÑOS…
“Yan ang sigaw ng karamihan sa nakaka basa ng balita tungkol sa sunod sunod na karahasan na nangyayari sa ating mga paaralan.
“Sinasabi nilang kung ibababa ang criminal liability sa 12 years old, madadala ang mga kabataang ito,” simulang bahagi ng caption ni Tuesday sa kanyang post.
Pagpapatuloy ng komedyana, “But it is not that simple. Bago tayo tumalon sa ipapa kulong na natin ang mga menor de edad na ito, silipin naman natin kung nasan nag uugat ang problema. Because this problem is more complicated than we think.
“Schools are supposed to be safe sanctuaries for learning. When violence reaches classrooms, it points to systemic issues—ranging from inadequate campus security to unaddressed bullying and gaps in mental health support,” saad pa ni Tuesday.
Para sa komedyana, kailangang bigyan na ng mas malawak at solidong atensiyon ng gobyerno ang isyu sa bullying, lalo na sa mga paaralan.
“With bullying cited as a core trigger in the recent shooting, anti-bullying policies must move past paperwork into active enforcement.
“Paano umabot sa punto na nilagay na ng mga bata sa kamay nila ang batas? Kailangan nating tanungin yan sa ating mga sarili.
“P.S. Before you come at me sa comsec- HINDI KO KINUKUNSINTE ANG KRIMEN. Umayos kayo sa kumento at unawain ang sinulat ko,” aniya pa.
The post Tuesday Vargas: Paano umabot na nilagay na ng mga bata sa kamay nila ang batas? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments