Alexa Ilacad takot mawalan ng fans noon: Now, myself…my happiness!

MATINDI rin ang pinagdaanang mga pagsubok ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad sa mundo ng showbiz.
Aminado ang dalaga na grabe ang naramdaman niyang pressure growing up sa entertainment industry, lalo na pagdating sa usaping “looks and body standards.”
“I wanted to change a lot about myself, for myself. People would call me names or give me backhanded compliments, and it always had something to do with my weight,” ang pahayag ni Alexa sa panayam ng “Oh My Gan.”
Talagang “the struggle” is real para kay Alexa when it comes to “body image issues and body dysmorphia” na talagang nakakaapekto sa kanyang mental health.
In fairness, medyo nakaka-survive na siya sa isyung ito mula nang matuto siyang tanggapin na hindi lahat ng tao ay mapi-please niya, “Healing naman. On the way naman tayo doon.”
Kung noon daw ay pumapatol siya sa mga bashers at body shamers, natutunan na raw niya ang “art of dedma”.
“Umabot na sa point na I don’t need to give an answer. I don’t need to explain myself ever to anyone anymore,” anj Alexa.
“(Ngayon) kapag may nam-bash sa akin, hinga muna. I don’t need to deal with this today,” sey ng aktres.
Kinalimutan na rin daw niya ang pagiging people pleaser, at never na niyang hahayaan na kontrolin ng opinyon ng ibang tao ang kanyang life.
“I was so scared to lose supporters. My world was just, I need to please all.
“Now, myself muna. My happiness. Ang saya palang maging masaya,” sabi pa ni Alexa.
“I desire to be free more than to be loved,” dugtong ng dalaga.
The post Alexa Ilacad takot mawalan ng fans noon: Now, myself…my happiness! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments