Moira dela Torre sa lagay ng puso: Time heals a lot of wounds

NAKA-MOVE on na nang bonggang-bongga ang award-winning OPM artist na si Moira dela Torre sa pagkawasak ng relasyon nila ng kanyang ex-husband na si Jason Hernandez.
Naging open ang Kapamilya singer-songwriter sa kanyang personal life nang makausap siya ng ilang members ng entertainment media kamakailan.
Nangyari ito nang um-attend si Moira sa 17th Star Awards for Music sa Teatrino sa Greenhills, San Juan, kung saan itinanghal siya bilang Female Recording Artist of The Year para sa kanta niyang “San Ka Na.”
Isa sa mga natanong kay Moira ay kung kumusta na ang lagay ng kanyang puso matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Jason Hernandez, ilang taon na ngayon ang nakararaan.
“I’m happy. I feel like everyone is okay. Everyone is better. I think time heals a lot of wounds. Everyone grows. Everyone matures. I think I have a long way to go. I know I’ve come so far,” ang pahayag ni Moira base sa ulat ng ABS-CBN.
Walang-wala nang bitterness sa puso ng singer at ang nais lamang niya ngayon ay ma-enjoy ang kanyang “peace”, “I just want to live my life.”
Aniya pa, sa paglipas ng panahon at sa ilang taon na niya sa entertainment industry, natutunan na niyang sumagot ng “NO” sa mga pagkakataong kailangan niyang unahin ang sarili at mas mahalaga at makabuluhang bagay.
“I just want to know how to say no, set boundaries, and pursue my music while still protecting my little world for myself so that I have something to come home to at any time,” saad pa ni Moira.
Sa acceptance speech niya sa parangal na ibinigay sa kanya ng 17th Star Awards for Music, hindi niya nakalimutang pasalamatan ang ABS-CBN at ang kanyang loyal fans na hindi bumibitiw sa pagsuporta at pagmamahal sa kanya.
The post Moira dela Torre sa lagay ng puso: Time heals a lot of wounds appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments