Responsive Ad

Jayson Gainza sa P17.8K na kuryente: Paki-explain paano n’yo na-compute

Jayson Gainza sa P17K na kuryente: Wala kaming 4 na swimming pool!
Jayson Gainza

NALOKA rin nang bonggang-bongga ang TV host-comedian na si Jayson Gainza nang matanggap ang latest bill nila sa kuryente

Dismayado ang komedyante at “TikToClock” host matapos makita ang napakalaking babayaran nila sa Meralco.

Base sa ibinahagi niyang kopya ng kanilang electric bill, umabot sa P17,845.79 ang babayaran nila para sa buwan ng Hunyo.

Nag-post sa social media ang Kapuso comedian at pabirong kinuwestiyon ang computation ng kanilang electric bill.

Nanawagan siya sa Manila Electric Company (Meralco) na ipaliwanag sa kanya kung paano umabot sa ganoong halaga ang kanilang bill sa kuryente.

“Dear @meralcoph, kami po ay walang laundry shop, wala din po kaming talyer at lalong-lalo na wala kaming apat na swimming pool. Paki-explain paano n’yo ito na-compute ng ganito kalaki,” ang pahayag ni Jayson.

Hirit pa niya, pinag-iisipan na nilang magpakabit na lang ng solar power system sa kanilang tahanan.

“Baka naman pag nag-solar kami maging P12k na lang kuryente namin. Aba aba, baka lalo kayong yumaman!” sey pa ni Jayson.

Nauna rito, nagreklamo rin ang ilan pang celebrities sa napakataas na bayarin nila sa kuryente kabilang na ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial at ang sisteraka ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na si Cacai Mitra.

The post Jayson Gainza sa P17.8K na kuryente: Paki-explain paano n’yo na-compute appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments