Responsive Ad

BGYO dedma na sa bashing: Tinatawanan na lang po namin

BGYO

TANGGAP na ng P-pop boy group na BGYO na may mga tao talagang walang ginawa kundi ang manlait at mangnega ng kanilang kapwa.

Hindi na binibigyan ng atensiyon at importansiya ng grupo ang mga bashers at haters sa social media dahil alam nilang kahit anong gawin nila ay may masasabi at masasabi pa rin ang mga ito.

Napag-usapan ang tungkol sa bashing sa interview ng media sa BGYO kasabay ng pag-release ng kanilang latest EP na “On Demand” kung saan kasama ang kanta nilang “Mean Girl.”

Natanong sa Pinoy boy group kung naaapektuhan pa ba sila ng mga mean comments about them mula sa mga netizens.

“Ngayon, tinatawanan na lang po namin, eh. Kasi wala ding matutulong ang negative energy pagdating sa ganitong work. 

“And mas ida-drag lang pababa yung buong group So, you know, we try to focus more on the positive,” ang sagot ni Mikki.

Ayon pa sa binata, tuluy-tuloy lang daw ang kanilang grupo sa pagpapasaya sa kanilang supporters sa kabila ng mga natatanggap nilang kanegahan.

“Failing is also part of trying. And you fail, you fail, you fail until you succeed. So that’s what we’re aiming to do. 

“And we have a lot of supporters who are very supportive. So we are very grateful to all the ACES na nandiyan lagi para sa amin, especially for our newest EP On Demand,” saad ni Mikki.

Nag-react din ang BGYO sa mga kumakalat na fan-made content tungkol sa kanila sa social media.

“Parang nakakaaliw naman, entertaining. Nakakatawa rin kasi at the same time kami yung nandon ginawan nila kami ng character in a different dimension. It’s very entertaining and funny at the same time,” sabi ni Akira.

Proud na proud ang BGYO sa bago nilang EP. Sabi nga ni Gelo, “Sobrang naramdaman namin na parang kami ‘to, kami ‘to. BGYO na tong sound na to.

“And for this EP, we’re so proud of this kasi alam namin na part din kami sa mga processes na ginagawa dito sa creative side, even sa sound,” dugtong ng binata.

Samantala, ilan sa mga members ng BGYO ay sumabak na rin sa aktingan tulad ni Nate.

“Ako, at first I was so nervous kasi siyempre acting yun eh. And I never acted. But since we’re acting as BGYO and I’m with BGYO, it’s fun,” sey ni Nate.

Ayon naman kay Mikki, “Masaya! Parang nag-act ka pero hindi rin kasi you’re acting as yourself. So it’s a very good experience na first time mag-acting especially sa mga series. 

“Kasi ako experience ko lang before is a music video. I think I only had two lines. So this time I had more. So it was new for me and Nate,” aniya pa.

The post BGYO dedma na sa bashing: Tinatawanan na lang po namin appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments