Klea Pineda pinakilig si Janella: Ikaw pa rin ang paborito ng mga mata ko!

WALA nang pakialam ang Kapuso actress na Klea Pineda sa magiging reaksyon ng publiko sa pagpapakita at pagpaparamdam niya ng pagmamahal kay Janella Salvador.
Ang mahalaga raw ngayon sa kanya – hangga’t nasa paningin daw niya ang Kapamilya star ay okay na okay na siya kahit pa ma-bash at manega siya.
Sa kanyang Instagram page, nag-post si Klea ng mga photo at video ng bonding moments nila ni Janella together sa iba’t ibang lugar at panahon.
Makikita sa pinakahuling litrato na yakap-yakap ni Klea mula sa likuran si Janella. Aniya sa caption, wala na raw siyang paki sa sasabihin ng iba.
“Maaaring iba ang nakikita nila, pero ikaw pa rin ang paborito ng mga mata ko. Sila? Bahala sila. Basta ako? Napapahanga mo ako,” ang mensahe ng aktres para sa kanyang karelasyon.
Nag-post naman si Janella sa comments section ng post ni Klea, “You somehow make me feel so beautiful even on the most ordinary days. ilysmmbmlmsbb.”
Sa mga hindi pa aware, ang meaning ng “ilysmmbmlmsbb” ay “i love you so much my baby, my love, my sweet baby boo.”
Nauna rito, nag-post din si Klea sa Facebook ng isang video kung saan buhat-buhat niya si Janella na tila nagpapa-cute pa.
Mababasa sa caption ni Klea, “Gusto pa binubuhat eh.”
Matatandaang sa guesting ng dalawang aktres sa “Fast Talk With Boy Abunda” noong June 7, binanggit ni Klea na itinuturing niyang “tahanan” si Janella.
“Si Janella sa buhay ko, tahanan, home. Nakakalma niya yung lahat ng ingay sa isip ko. Yun siya, yun siya sa akin.”
Sey naman ni Janella kung sino si Klea sa buhay niya, “My favorite gay and, hopefully, someone who will stay.”
The post Klea Pineda pinakilig si Janella: Ikaw pa rin ang paborito ng mga mata ko! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments