Responsive Ad

Lalaki biglang ipinakita ‘pototoy’ sa 2 babaeng nagdya-jogging sa Iloilo

Lalaki biglang ipinakita 'pototoy' sa 2 babaeng nagdya-jogging sa Iloilo
Stock photo

NA-SHOCK ang dalawang babaeng nagdya-jogging nang biglang inilabas ng isang lalaki ang kanyang “pototoy” o ari habang tumatawa.

Nangyari ang insidente nitong nagdaang June 15, dakong alas-7 ng umaga sa kahabaan ng Iloilo Sunset Boulevard.

Base sa salaysay ng mga biktima, habang tumatakbo sila sa nasabing lugar ay may nadaanan silang lalaki na tila umiihi malapit sa may puting sasakyan.

Kasunod nito, bigla na lang daw ibinalandra ng suspek ang kanyang ari sabay tawa. Sinita raw ng mga biktima ang lalaki sa ginawa nito.

“Dalawang beses kong sinabihan. Sabi ko, hindi ka ba nahihiya? Tapos lumalabas pa rin ang kanyang ari. Ang ginawa niya, hindi talaga okay na paglaruan sa harap namin. 

“Hindi man matatakot ang kaibigan ko kung normal ang pag-take ng lalaki,” ang pahayag ng babae sa isang panayam.

Naisipan daw ng isa sa mga biktima na bidyuhan ang lalaki gamit ang kanyang cellphone kaya naman agad na tumakas ang suspek sakay ng puti niyang sasakyan. 

Nagsasagawa na ngayon ng manhunt operation ang Iloilo City Police Office (ICPO) laban sa suspek.

Ayon kay ICPO Director, Col. Wilbert Parilla, agad nilang sasampahan ng kaso ang suapek kapag nakuha na ang pagkakakilanlan nito. Nakipag-coordinate na rin sila sa Land Transportation Office (LTO) para ma-trace kung sino ang may-ari ng sasakyang gamit ng lalaki.

“Itong klaseng gawain ay hindi dapat dito sa city natin na napakamatiwasay. At ang area ng Sunset Boulevard is for recreation. We will file appropriate charges kung ano man ang nararapat. Whether an ordinance or any violation,” pahayag ni Parilla sa ulat ng GMA.

Sabi naman ng isang biktima, “Naniniwala ako na kung pababayaan ninyo ito, maaari itong lumipat sa ibang lugar at doon naman gagawin ulit ang kanyang ginawa dahil para sa kanya, wala mali sa ganu’n.”

The post Lalaki biglang ipinakita ‘pototoy’ sa 2 babaeng nagdya-jogging sa Iloilo appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments