Responsive Ad

Estudyanteng inakusahan ng kalaswaan sa online class, nagsumbong kay Tulfo

Estudyanteng inakusahan ng kalaswaan sa online class, nagsumbong kay Tulfo

HUMINGI ng tulong ang isang female college student sa programa ni Sen. Raffy Tulfo matapos lagyan ng malisya ng netizens ang kanyang video.

Kumalat sa social media ang isang short video clip na kuha sa online class ni Angel del Rosario na pinuna ng mga nakapanood dahil sa umano’y kalaswaan nito.

Inakala kasi ng netizens na may ginagawang “milagro” si Angel sa naturang reel na aniya’y naging sanhi ng pambabastos at nagdulot ng kahihiyan sa kanya.

Paliwanag ng estudyante, hindi totoong may ginagawa siyang kalaswaan habang nasa online class siya tulad ng akusasyon ng netizens.

Sa pagdulog niya sa programang “Raffy Tulfo in Action”, ipinaliwanag niya na recitation daw nang mahuli siyang may ibang ginagawa.

Ang nangyari, iginilid daw niya ang kanyang ulo palayo sa camera ng tablet na ginagamit niya sa klase para hanapin ang sagot sa Google.

“Aminado naman pong nag-Google ako noon, kaya iniwas ko ‘yung ulo ko para hindi po makita. Then after po no’n, nag-a-agree po ako nu’n that time,” saad ni Angel.

“Hindi ko naman po alam na bibigyan ako ng malisya ‘yung ginagawa ko,” esplika ng estudyante.

Kasunod nito, tinanong si Angel ng co-host ng programa na si Atty. JV Bernardez, “Ano po bang ginagawa n’yo? Tumatango kayo?”

Tugon ng dalaga, “Nag-agree po ako sa sinabi ng kaklase ko kasi tama po ‘yung sagot niya base sa search ko. Kita naman po sa video na tumingin po ako sa camera, which is aware po ako na naka-open cam ako.”

Pero mukhang ayaw pa ring maniwala ng ilang netizens sa naging paliwanag ni Angel. Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa video na naka-post sa YouTube channel ng “Raffy Tulfo in Action”:

“Oo na  lang te, Kunwari pinanganak kami kahapon.”

“Paghawi mo palang sa buhok mo teh alam na agad kabisa kona yan HAHHAHAHAHAHA!”

“Ate para kang gobyerno natin harap harapan mo kaming tinatarantado hahahaha!”

“Te, sumusubo din ako te.. alam ko yan wag mo kami linlangin HAHAHAHA!”

“Mali naman talaga ipakalat ang video, pero kasi teh ang hirap mo ipaglaban. Hahaha!”

“Kampi yan jan sayo dyan pero paglabas mo ng studio. paguusapan ka.”

Samantala, nabanggit ni Atty. JV na mag-uusap uli sila ng kampo ni Angel kung anong legal na aksyon ang susunod nilang gagawin laban sa mga nagpakalat ng video.

Mensahe ng estudyante sa lahat, “Sana maging aware din po tayo na kapag may ganitong senaryo po is sana huwag na rin po tayong makidagdag sa false information.”

The post Estudyanteng inakusahan ng kalaswaan sa online class, nagsumbong kay Tulfo appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments