Responsive Ad

Lotlot de Leon napaiyak sa galit kay Ian de Leon: He can have it all!

Lotlot de Leon napaiyak sa galit kay Ian de Leon: He can have it all!

HINDI napigilan ng aktres na si Lotlot de Leon na mapaiyak dahil sa labis na emosyon na nararamdaman patungkol sa mga pahayag at kasinungalingan umano ng kapatid na si Ian de Leon sa national TV hinggil sa isyu ng mana ng mga naiwan ng kanilang ina na si Nora Aunor.

Sa isinagawang story conference para sa kanyang bagong pelikulang “40 Days,” pinabulaanan ng ang mga pahayag ni Ian.

Diretsahang itinanggi ni Lotlot ang mga alegasyon ng kanyang kapatid na naghahabol siya at ang iba pang mga kapatid na sina Matet, Kenneth, at Kiko sa anumang ari-ariang naiwan ni Aunor.

Bago ang naturang press con ay nag-guest si Ian sa programang “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan sinabi raw ng aktor sa mga kapatid na magtatayo siya ng isang one-person corporation (OPC) na hahawak sa pamana at legacy ng namayapang Superstar at National Artist.

Baka Bet Mo: Lotlot de Leon hindi naghahabol ng mana mula kay Nora, kinontra si Ian

“Hindi na ako papayag! Enough! Enough with the lies! Tahimik ako, tahimik si Matet, si Kiko at si Ken. Wala na kaming sinasabi, and then you go out on a TV show and tell everyone na sinabi mo sa amin, which is not true,” emosyonal na saad ni Lotlot.

Aniya, pinadaan na nga niya ang isyu sa kanyang abogado para hindi na siya magsalita hinggil sa isyu ngunit tila napuno na siya sa ginagawa ng kapatid.

Pagpapatuloy niya, “So this is just to clarify. Whatever you’re hearing, whatever you know, that’s not true. And it pains me so much kasi tinuring ko syang… inalagaan ko sya bilang kapatid. Binilin sa’kin ng nanay ko.”

Ikinuwento pa ni Lotlot na noong mga panahong nasa Amerika ang ina ay siya ang nag-alaga sa mga kapatid.

“Sa kanya na lahat. Wala akong hinihingi. Wala kaming hinihingi. Wala akong inaagaw. Walang inaagaw si Matet. He can have it all!” emosyonal na giit ng aktres.

Paulit-ulit na humingi ng paumanhin si Lotlot sa direktor ng pelikula na si Louie Ignacio at sa iba pang miyembro ng cast, kabilang sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Elizabeth Oropesa, Lloyd Samartino, at iba pa, dahil sa paglalaan niya ng oras ng programa upang sagutin ang mga alegasyon.

Pinasinungalingan din niya ang mga paratang na siya at ang iba pa nilang ampon na magkakapatid ay naghahabol sa mana ni Aunor.

”Mana? Wala namang mana. Ang naiwan lang ay yung mga lupa sa Bicol… at kung mayroon man, sa kanya na lahat. Wala kaming hinihingi. He can have it all. Sapat na sa akin na matawag kong mommy si Nora Aunor, na mapalaki ng isang Superstar,” aniya.

The post Lotlot de Leon napaiyak sa galit kay Ian de Leon: He can have it all! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments