Vivamax star Cess Garcia ilang beses nabiktima ng mga cheater

REBELASYON ng Vivamax actress na si Cess Garcia, palagi siyang nabibiktima ng mga taong manloloko.
Ilang beses na raw siyang nagkaroon ng dyowang cheater kaya palaging nauuwi sa hiwalayan ang kanyang nagiging relasyon.
Sa naganap na presscon ng bagong pelikula ni Cess, ang VMX original na “Cheating Wife”, kasama sina Vince Rillon at Alisson Ross, naikuwento niya ang tungkol sa kanyang past relationships.
Isang proud bisexual si Cess pero hindi niya sinabi kung lalaki o babae ang nag-cheat sa kanya pero aniya, wala naman daw pinipiling gender ang pagiging manloloko.
“Kung cheater ka talaga, anuman ang gender identity mo, cheater ka talaga,” ani Cess. Pero aniya, hindi pa naman daw siya nato-trauma sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Samantala, ipakikita naman ng Vivamax ang iba’t ibang uri ng panloloko at pagtatraydor sa latest offering nilang “Cheating Wife.”
Isang madamdamin at erotikong drama na sumisiyasat sa masalimuot na usapin ng pag-ibig, katapatan, at pagnanasa kapag ang isang babae ay napilitang mamili sa pagitan ng asawang inakala niyang tuluyan nang nawala at ng hindi inaasahang pag-iibigang tumulong sa kanya upang makabangon.
Pinagbibidahan nina Allison Ross at Cess Garcia, tinatalakay ng pelikula kung paano nagsasalpukan ang dalamhati, pagnanasa, at panlilinlang, na nagtutulak sa mga tauhan sa landas kung saan may kapalit ang bawat desisyon.
Sa sentro ng kuwento ay si Elena (Allison Ross), isang biyudang naninirahan sa probinsya na matagal nang naniniwalang namatay ang kanyang asawang si Julian (Vince Rillon) matapos itong mawala sa dagat.
Habang pilit niyang binubuo muli ang kanyang buhay, natagpuan niya ang aliw at kapanatagan kay Sarah (Cess Garcia), isa ring biyuda ng isang marino.
Unti-unting nahubog ang kanilang pinagsasaluhang kalungkutan tungo sa isang masidhi at malalim na ugnayan, na nagbigay sa dalawang babae ng pagkakataong maghilom at muling maranasan ang pag-ibig.
Ngunit biglang gumuho ang kanilang bagong natagpuang kaligayahan nang hindi inaasahang makauwi nang buhay si Julian.
Sugatan sa katawan at may matinding trauma mula sa kanyang pinagdaanan sa dagat, ang kanyang pagbabalik ay nagtulak kay Elena na itago ang relasyon niya kay Sarah habang inaalagaan ang kanyang asawa.
Ang isang lihim na pag-iibigan ay unti-unting nauwi sa isang mapanganib na laro ng manipulasyon, takot, at pagkontrol, na hahantong sa isang mapaminsalang komprontasyon na maaaring sumira sa buhay nilang lahat.
Matapang, sensuwal, at puno ng matitinding emosyon, nangangako ang “Cheating Wife” na pananatilihing tutok ang mga manonood hanggang sa pasabog nitong ending.
The post Vivamax star Cess Garcia ilang beses nabiktima ng mga cheater appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments