Enrique Gil nabuntis raw ang non-showbiz GF, magiging tatay na?

TRULILI kayang magiging tatay na si Enrique Gil dahil nang magpa-ultrasound ang kanya umanong non-showbiz girlfriend niya ay positive ang sagot ng nag-assist?
Nagsimula ito sa blind item pero hindi ito gaanong pinansin ng media dahil ang alam nila ay si Liza Soberano pa rin ang laman ng puso’t isipan ng aktor.
Ngunit base sa tsika ni Ogie Diaz sa vlog nitong “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi, at Tamerlane Mopia na may nagkuwento sa kanya.
“Baka isipin sinisiraan namin. Magtatanong lang din kami kung gaano ito katotoo na hindi ko rin masagot.
Baka Bet Mo: Enrique Gil sa loveteam nila ni Andrea Brillantes: Very refreshing!
“May nagtatanong na rin sa akin, pero may nagsabi na ‘Ogs, paki-research mo nga kung totoong magiging tatay na nga si Enrique Gil?”
“Yan lang ang ipinarating sa amin ng aming source na magiging tatay na si Enrique dahil nga po ‘yung babaeng non-showbiz ay nagpa-ultrasound at sa ultrasound ang nakalagay ay positibo.
“Ano naman kung maging sila, e, 34 na si Quen, pero alam mo, questionable pa rin ito or baka kasi ayaw muna nilang i-announce.
“Tinanong ko yung source ko kung paano niya nalamang si Quen. sinamahan nga magpa-ultrasound pero hindi bumaba ng sasakyan si Quen.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Enrique hinggil sa isyung ito.
The post Enrique Gil nabuntis raw ang non-showbiz GF, magiging tatay na? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments