Vince Maristela pinatawag ni Charo Santos, Cory Vidanes napagkamalang host ng ‘MMK’

ALIW ang naging reaksyon ng beteranang aktres at dating ABS-CBN president na si Charo Santos – Concio matapos mag-viral ang maling sagot ng ex-PBB celebrity housemate na si Vince Maristela.
Isa kasi ang binata sa naglaro sa segment ng “It’s Showtime” na “Laro Laro Pick” kasama ang iba pang naging housemates sa unang edisyon ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab” kung saan natanong siya kung sinong “C” ang host ng “Maalaala Mo Kaya”.
Tila nalito naman si Vince dala na rin siguro na dapat makasagot within 5 seconds kaya imbes na Charo Santos ay Cory Vidanes ang nasambit nito.
Si Cory Vidanes ay isa rin sa mga big boss ng Kapamilya network gaya ni Ma’am Charo.
Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate Vince Maristela na-hurt nang tawaging ‘homophobic’
Hindi naman napigilan ni Vice Ganda ang maaliw at matawa sa sagot ni Vince.
Maging ang iba pang “It’s Showtime hosts, ex-PBB housemates, at madlant pipol ay natawa sa sagot ng aktor.
“Miss Annette [Gozon-Valdes], si Vince oh, playtime!” pabirong sumbong ni Vice Ganda sa isa sa bog boss ng GMA Network.
Pagpapatuloy pa niya, “Kasi ito yung pinakamadaling tanong dito. Grabe ka, hindi ba nanonood ng MMK ang mga La Sallista?”
Kasunod ng tanong ni Vice kay Vince ay ang paglalahad nito patungkol sa “MMK”.
“MMK, Maalaala Mo Kaya, longest-running drama anthology sa Pilipinas ‘yan. 20+ years tumakbo ‘yan, bata ka pa lang, hindi ka pa pinapanganak, hanggang sa nagbinata ka na, Maalaala Mo Kaya… yung nagbabasa ng sulat.. letter C… Coco Martin…” dagdag biro ni Vice.
Binigyan naman ng clue si Vince sa apelyido ng tinutukoy na personalidad at doon na niya nasabi ang pangalan ni Ma’am Charo.
“Charo Santos ang host ng Maalaala Mo Kaya,” sey ni Vice.
Matapos ang programa ay isang reels ang in-upload ni Vince kung saan mapapanood siyang nag-e-emote sa loob ng kotse sa saliw ng theme song ng “MMK”.
Agad ring nakarating kay Ma’am Charo ang naturang episode at ibinahagi pa ito sa kanyang Instagram story.
“Hi Vince, please go to my office,” pa-joke na sabi ng beteranang aktres.
Aniya, natawa siya sa naturang segment ng programa at ni-reshare niya ito na may caption pang, “Hello! Nice to meet you, too, @vincemaristela!”
Nag-comment naman si Vince at sinabing: “Pwede po ba mag pasama kay Ms. @annettegozonvaldes?”
For sure naman ay safe pa rin ang binata dahil hindi naman ito pinersonal ng Kapamilya executive at Kapuso artist ito kaya safe na saf
The post Vince Maristela pinatawag ni Charo Santos, Cory Vidanes napagkamalang host ng ‘MMK’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments